DALAWANG BAGSAK ISANG TUKA

Ako nga pala si Milyo tubong bulakenyo, isang nalulong na Sabungero, nahumaling din sa Casino, sinubukan ko din naman ihinto ang kabaliwaan na labing tatlong taon kong binuno, daang beses narin akong nangako na magbabago, tatayo, at ibabalik ang katinuan na kinuha ng sugalan, Grabe..! Ganado lng ako mag bago pag galing sa talo lalot ubos na at sa utang baon nako, paiyak iyak pako habang humihinge ng tulong sa pamilya,kaibigan,katrabaho, pautangin lang nila ko, pero pag nakuha ko na yung gusto ko, buhay nanamn si Milyo takbo agad ng casino o kaya contakin ko yung agent tatalpak nnmn si Gago.. Nakakatawa noh! Nagagawa kong normal ang gawain ng abnormal.. Animal..!!! Tumakbo ung panahon lumipas ang taon pahirap ng pahirap makabangon.. At sa huling pagkakataon hindi lng ako yung Baon. Pati pamilya ko asawa ko anak ko kasama na sa dilim ng kahapon, kahihiyan mga utang na kahit kailan ndi nmn sila ang nakinabang, napundar nmin na nawala lupa’t sasakyan..

Napailalim ako sa paniniwalang kung san ako nadapa dun ako babangon, mga linya ng announcer sa sabungan, na “no bodyknows pa yan mahiwaga ang sabong,” “wag kang aaray matutuwa ang kaaway,” “pwede kang humapay pero wag kang bibigay,” lahat yan salitang PAMPAMANHID sa SAKIT na dapat ko ng nararamdaman, pero magaling si taneng, dinesenyo nya ang sugal sa paraan 99% na maniniwala ang sugarol na kagaya ko, totoo pala talaga mas matamis mas masarap ang alak ng kaaway kaysa sa alak ng Diyos lalot nat hindi ko ito alam!! Magaling si taneng titirahin nya kung san ka mahina, para kang lastiko habang binabanat dun makikita ang lamat, at yung lamat na un yung dapat mong bantayan dahil sensitibo weakess point ikanga, kung ikaw na kagaya kong sugarol na bumabasa nito hanapin mo din yung weakess point mo ingatan mo irespeto mo wag mo laruin wag mo banat banatin, baka maputol, totoo may mga lamat na ndi na mawawala at KAILANGAN TANGGAPIN na lng na wala na tayong MAGAGAWA, kasya naman sa nalagot or naputol na! PERO wala kang GINAWA..!

Sa mga nagtataka bakit dalawang bagsak isang tuka, sa mga kapwa ko na sabungero na nakakaunawa, it means hindi pa tapos ang laban hindi pa sintensyado kung sino ang nanalo pwedeng MERON pwedeng WALA pwedeng tabla, isa lng ang punto dito may PAG ASA pa..sa buhay ko nakita ko ang dalawang uri ng sultada, ang laban sa adiksyon ng sugal at laban sa hamon ng buhay, pwede kang umaray, oo pero wag kang bibigay, pwede kang sumigaw ng ayaw mona, pwede mo din sabihin sa sarili na miylo “TAMA NA” sobra na “PAGOD KANA” “PAGOD NA DIN SILA”..

“May nanalo sa sugal” OO, pero walang umaayaw” kaya kung isa ka din sa katulad ko na hindi marunong umayaw mas maige pang wag ka na din mag sugal, pinag aralan ko din kung papano manalo sa putang inang sugal nato, pero masakit man ang resulta, kailangan ko muna MATALO para MATUTO..! “Magigising ka lng pag nalaman mong nakatulog ka pala” may pag asa pa may bukas pa hindi komo nakatikim ka ng masamang lasa ng mansanas ay pare pareho ng ang lasa ng Prutas,.. Lahat nang yan pag dadaanan lng meron lng talaga na dapat natin maintindihan Diyos ang nag akda ng lahat.. Wag mo na pahabain ang paghihirap mo kapatid,kaya hindi ka lng umaaray hindi dahil matibay ka sa sakit, hindi ka lang nasasaktan dahil mas pinipili mo maging MANHID..!

Maraming salamat ako si Milyo dating NALULONG na sabungero,ngayun nasasabik sa PAGBABAGO..”