JUNE 19 Reflection for the Day

The Gamblers Anonymous Program teaches us that only one consideration should qualify our desire to completely disclose the damage we’ve done. And that’s where a full revelation would seriously harm the one to whom we’re making amends—or, just as important, others close to that person. We can hardly unload a detailed account of extramarital misadventures, for example, on the shoulders of an unsuspecting wife or husband. When we recklessly make the burdens of others heavier, such actions surely can’t lighten our own burden. Sometimes, in that sense, telling all may be almost a self-indulgence for us. So in making amends, we should be tactful, sensible, considerate, and humble—without being servile.

As a child of God, do I stand on my feet and not crawl before anyone?

Today I Pray

May God show me that self-hatred has no role in making amends to others. Neither has the play-acting of self-indulgence. I ask most humbly for my Higher Power’s guidance as I strive to maintain a mature balance in interpersonal relations, even in the most casual or fragile ones.

Today I Will Remember

Making amends is mending.

TAGALOG VERSION

Ika-19 ng Hunyo

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang Programa ng Gamblers Anonymous ay nagtuturo sa atin na isang konsiderasyon lamang ang dapat pumigil sa ating kagustuhan na ganap na ibunyag ang pinsalang nagawa natin. Ito ay kung ang isang  ganap na paghahayag ay seryosong makakasakit sa taong kung kanino tayo nakikipag-ayos​​—o, kasing importante, sa iba pang malapit sa taong iyon. Halos hindi natin pwedeng ipagtapat ang isang detalyadong salaysay ng mga pangangaliwa, halimbawa, sa mga balikat ng isang hindi naghihinalang asawa. Kapag walang ingat nating pinapabigat ang mga pasanin ng iba, tiyak na hindi mapapagaan ng gayong mga pagkilos ang ating sariling pasanin. Minsan, sa ganoong kahulugan, ang pagsasabi ng lahat ay maaaring halos isang sariling pagpapalayaw para sa atin. Kaya sa pakikipag-ayos, dapat tayong maging mahusay makitungo, may katwiran, maalalahanin, at mapagpakumbaba—nang hindi nagiging alipin.

Bilang anak ng Diyos, tumatayo ba ako gamit ang mga sarili kong paa at hindi gumagapang sa harap ng sinuman?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y ipakita sa akin ng Diyos na ang pagkamuhi sa sarili ay walang papel sa pakikipag-ayos sa iba. Wala rin ang pagkukunwari ng sariling pagpapalayaw. Mapagpakumbaba kong hinihiling ang patnubay ng aking Higher Power habang nagsusumikap akong mapanatili ang isang ganap na balanse sa mga interpersonal na relasyon, kahit na sa mga pinakaswal o marupok na relasyon.

Ngayon tatandaan ko…

Ang pakikipag-ayos ay nakakapag-ayos.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.