JUNE 29 Reflection for the Day

Once we surrendered and came to the Gamblers Anonymous Program, many of us wondered what we would do with all that time on our hands. All the hours we’d previously spent planning, hiding, alibiing, losing our shirts, borrowing, juggling accounts—and all the rest—threatened to turn into empty chunks of time that somehow had to be filled. We needed new ways to use the energy previously absorbed by our addiction. We soon realized that substituting a new and different activity is far easier than just stopping the old activity and putting nothing in its place.

Am I redirecting my mind and energy?

Today I Pray

I pray that, once free of the encumbrance of my addiction, I may turn to my Higher Power to discover for me how to fill my time constructively and creatively. May that same Power that makes human paths cross and links certain people to specific situations, lead me along good new roads into good new places.

Today I Will Remember

Happenstance may be more than chance.

TAGALOG VERSION

Ika-29 ng Hunyo

Pagninilay para sa Araw na ito

Kapag sumuko na tayo at dumating sa Programa ng Gamblers Anonymous, marami sa atin ang nagtaka kung ano ang gagawin natin sa lahat ng oras na iyon na mayroon na tayo. Lahat ng mga oras na dati nating ginugol sa pagpaplano, pagtatago, pagdadahilan, pagwawaldas ng pera, pangungutang, paglalaro ng pondo—at lahat ng iba pa—ay nagbanta na maging bakanteng mga oras na kahit papaano ay dapat mapunan. Kinailangan natin ng mga bagong paraan upang magamit ang enerhiya na dati nang hinigop ng ating adiksyon. Hindi nagtagal ay natanto natin na ang pagpapalit ng bago at kakaibang aktibidad ay mas madali kaysa sa pagtigil lamang sa dating aktibidad at paglalagay ng wala sa lugar nito.

Dinidirekta ko ba sa iba ang aking isip at lakas?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Ipinagdarasal ko na, sa sandaling malaya na ang pagpapabigat sa akin ng aking adiksyon, maaari akong lumingon sa aking Higher Power upang matuklasan para sa akin kung paano punan ang aking oras nang kapaki-pakinabang at malikhain. Nawa ang kaparehong Higher Power na ito na nagpapatawid ng mga landas ng tao at inuugnay ang ilang mga tao sa mga partikular na sitwasyon, ay akayin ako sa mga magagandang bagong kalsada papunta sa magagandang bagong lugar.

Ngayon tatandaan ko…

Ang mga pangyayari ay maaaring higit pa sa suwertihan lamang.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.