JULY 7 Reflection for the Day

What wonderful things could happen in my life if I could get rid of my natural impulse to justify my actions. Is honesty so deeply repressed under layers of guilt that I can’t release it to understand my motives? Being honest with ourselves isn’t easy. It’s difficult to search out why I had this or that impulse and, more importantly, why I acted upon it. Nothing makes us feel so vulnerable as to give up the crutch of the alibi, yet my willingness to be vulnerable will go a long way toward helping me grow in the Gamblers Anonymous Program.

Am I becoming more aware that self-deception multiplies my problems?

Today I Pray

May God remove my urge to make excuses. Help me face up to the realities that surface when I am honest with myself. Help me to know, as certainly as day follows sunrise, that my difficulties will be lessened if I can only trust God’s will.

Today I Will Remember

I will be willing to do God’s will.


TAGALOG VERSION

Ika-7 ng Hulyo

Pagninilay para sa Araw na ito

Anong magagandang bagay na maaaring mangyari sa aking buhay kung matatanggal ko ang aking likas na pagnanasa na gumawa ng palusot o bigyang katwiran ang aking mga aksyon. Ang katapatan ko ba ay labis na natabunan sa ilalim ng patung-patong na pagkakasala na hindi ko ito mapakawalan upang maunawaan ang aking mga motibo? Ang pagiging tapat sa ating sarili ay hindi madali. Mahirap hanapin kung bakit mayroon ako nito o niyang pagnanasa at, higit sa lahat, kung bakit ko ito ginawa. Walang bagay ang higit pang nagpaparamdam sa atin na mahina tayo kapag binitawan na natin ang paggawa ng kung anu-anong pagdadahilan, ngunit ang aking pagpayag na maging mahina ay malayo ang mararating sa pagtulong sa akin na lumago sa Programa ng Gamblers Anonymous.

Lalo ba akong nagkakaroon ng kamalayan na ang panlilinlang ko sa sarili ko ay nagpaparami ng aking mga problema?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y alisin ng Diyos ang aking pagnanasa na gumawa ng mga palusot. Tulungan mo akong harapin ang mga katotohanan na lumalabas kapag tapat ako sa aking sarili. Tulungan mo akong malaman, tulad ng katiyakan na sa bawat araw ay sumisikat ang araw, na ang aking mga paghihirap ay mababawasan kung magtitiwala lamang ako sa kalooban ng Diyos.

Ngayon tatandaan ko…

Magiging payag akong gawin ang kalooban ng Diyos.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.