JULY 4 Reflection for the Day

It’s time for me to become willing to do what it takes to recover my personal responsibility, even if that means giving over the financial reins to another. Just as there are paradoxes in the Steps—admitting my life’s unmanageability in order that it become manageable again, surrendering to a Higher Power in order to become liberated—there will be other paradoxes in my recovery. Allowing a trusted family member or professional to take over management of my finances in order for me to become fiscally responsible may be one of those paradoxes. I have proved that I am powerless over gambling—and over the emotional highs and lows that went with it. Now is the time to give up my lonely disaster course and begin to interact with others, accepting any help my Higher Power provides.

Have I accepted that, although my recovery is my own, I sometimes need to count on others for their help and encouragement?

Today I Pray

May the Gamblers Anonymous Program, with God’s help, give me a chance to live a steady, creative, outreaching life. May I accept the strength others offer me, as I willingly share my strength with others. May I realize on this Declaration of Independence Day that I, too, have a celebration of freedom—from my gambling addiction.

Today I Will Remember

To celebrate my personal freedom.

TAGALOG VERSION

Ika-4 ng Hulyo

Pagninilay para sa Araw na ito

Panahon na para sa akin na maging payag na gawin kung ano ang kinakailangan upang mabawi ang aking personal na responsibilidad, kahit na nangangahulugang ibigay ang pampinansyal na kontrol sa iba pa. Tulad din ng mga kabalintunaan sa mga Hakbang—pag-amin na ang aking buhay ay hindi na maaaring pamahalaan upang maaaring pamahalaan itong muli, pagsuko sa isang Higher Power upang maging malaya—magkakaroon ng iba pang mga kabalintunaan sa aking paggaling. Ang pagpapahintulot sa isang pinagkakatiwalaang miyembro ng pamilya o propesyonal na kunin ang pamamahala ng aking pera upang ako ay maging responsable ukol sa pananalapi ay maaaring isa sa mga kabalintunaan. Napatunayan ko na wala akong lakas laban sa pagsusugal—at laban sa mga emosyonal na kataasan at kababaan na kasama nito. Ngayon na ang oras upang talikuran ang aking malungkot na daan sa sakuna at magsimulang makipag-ugnay sa iba, tanggapin ang anumang tulong na ibinibigay ng aking Higher Power.

Natanggap ko ba na, kahit na ang aking paggaling ay akin, minsan kailangan kong umasa sa iba sa kanilang tulong at pampatibay-loob?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y ang Programa ng Gamblers Anonymous, sa tulong ng Diyos, ay bigyan ako ng pagkakataong magkaroon ng isang matatag, malikhain, at lumalawak na buhay. Nawa’y tanggapin ko ang lakas na inaalok sa akin ng iba, habang kusang-loob kong ibinabahagi ang aking lakas sa iba. Nawa’y mapagtanto ko sa Araw na ito ng Pagdeklara ng Kalayaan (ika-4 ng Hulyo sa Amerika) na ako, ay mayroon ding pagdiriwang ng kalayaan—mula sa aking adiksyon sa pagsusugal.

Ngayon tatandaan ko…

Ipagdiwang ang aking personal na kalayaan.

*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.