For my own good, I’ll go to meetings and participate in discussions with an open mind that’s ready to receive and accept new ideas. For my own peace of mind and comfort, I’ll determinedly try to apply those new ideas to my own life. I’ll remember that the Gamblers Anonymous Program offers me the instruction and support I can’t find elsewhere. I’ll seek out others who understand my problems, and I’ll accept their guidance in matters that cause me discomfort and confusion.
Will I try to be willing to listen—and to share?
Today I Pray
Thank you, God, for bringing the GA Program into my life, and with it a better understanding of Divine Power. Help me to remember that attendance and attentiveness at meetings are all-important to continuing in this happily discovered way of life. May I listen and share with honesty, open-mindedness, and willingness.
Today I Will Remember
Here’s HOW: Honesty, Open-mindedness, Willingness.
TAGALOG VERSION
Ika-17 ng Hulyo
Pagninilay para sa Araw na ito
Para sa aking sariling kabutihan, pupunta ako sa mga meeting at makikilahok sa mga talakayan na may bukas na isip na handang kunin at tanggapin ang mga bagong ideya. Para sa aking sariling kapayapaan ng isip at ginhawa, determinadong susubukan kong gamitin ang mga bagong ideya na iyon sa aking sariling buhay. Tatandaan ko na ang Programa ng Gamblers Anonymous ay naghahandog sa akin ng aral at suporta na hindi ko makikita sa ibang lugar. Hahanapin ko ang ibang tao na nakakaunawa sa aking mga problema, at tatanggapin ko ang kanilang patnubay sa mga bagay na nagdudulot sa akin ng paghihirap at pagkalito.
Susubukan ko bang maging payag na makinig—at magbahagi?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Salamat, Diyos, sa pagdala ng Programa ng GA sa aking buhay, at kasama nito ang isang mas mahusay na pag-unawa sa Banal na Kapangyarihan. Tulungan mo akong alalahanin na ang pagdalo at pakikinig sa mga meeting ay talagang napakahalaga sa pagpapatuloy ng maligayang natuklasang pamumuhay na ito. Nawa’y makinig ako at magbahagi nang matapat, bukas ang pag-iisip, at payag.
Ngayon tatandaan ko…
Narito ang paano (HOW): katapatan (Honesty), kabukasan ng isip (Open-mindedness), pagpayag (Willingness).
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng GA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.