Today I’ll try to settle for less than I wish were possible, and be willing to not only accept it but to appreciate it. Today, I’ll not expect too much of anyone—especially myself. I’ll try to remember that contentment comes from gratefully accepting the good that comes to us, and not from being furious at life because it’s not better.
Do I realize the difference between resignation and realistic acceptance?
Today I Pray
May I not set my sights unrealistically high, expect too much. May I look backwards long enough to see that my self-set, impossible goals were the trappings of my addiction; too often I ended up halfway there, confronted by my own failure. Those foiled-again or I’ve-failed-again feelings became monumental excuses to give in to my gambling compulsion, which blanketed my miseries. May I avoid that sick old pattern. May I be realistic.
Today I Will Remember
Good is good enough.
TAGALOG VERSION
Ika-23 ng Hulyo
Pagninilay para sa Araw na ito
Ngayon ay susubukan kong makakuha ng mas mababa sa nais kong posible, at payag akong hindi lamang tanggapin ito ngunit pahalagahan din ito. Ngayon, hindi ko aasahan ang labis sa sinuman—lalo na sa aking sarili. Susubukan kong tandaan na ang kasiyahan ay nagmumula sa mapagpasalamat na pagtanggap ng mabuting dumarating sa atin, at hindi mula sa pagiging galit na galit sa buhay dahil hindi ito mas maganda.
Napagtanto ko ba ang pagkakaiba sa pagitan ng pagiging pasibo o walang pagtutol at ang makatotohanang pagtanggap?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y hindi ko ibaling ang aking tingin nang napakataas na hindi na ito makatotohanan, hindi ko asahan ang sobra-sobra. Nawa’y tumingin ako ng paatras nang sapat upang makita na ang aking mga itinakdang imposibleng mga layunin sa sarili ay nagkukulong sa akin sa adiksyon; masyadong madalas napunta ako sa kalahati lamang, naharap sa aking sariling pagkabigo. Ang mga damdaming nabigo-na-naman-ako o bumagsak-na-naman-ako ay naging mga malaking palusot upang sumuko ako sa aking adiksyon sa pagsusugal, na tinakpan ang aking mga pagdurusa. Nawa’y iwasan ko iyong nakakasawang paulit-ulit na lumang gawain. Nawa’y maging makatotohanan ako.
Ngayon tatandaan ko…
Ang mabuti ay sapat nang mabuti.
–
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng GA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.
