How, exactly, can a person turn his or her own will and life over to the care of a Higher Power? All that’s needed is a beginning, no matter how small. The minute we put the key of willingness in the lock, the latch springs open. Then the door itself starts to open, perhaps ever so slightly; in time we find that we can always open it wider. Self-will may slam the door shut again, and it often does. But the door can always be reopened, time and time again if necessary, so long as we use our key of willingness.
Have I reaffirmed my decision to turn my will and my life over to the care of God, as I understand Him?
Today I Pray
May I renew my decision to turn my will and my life over to a Higher Power. May my faith be staunch enough to keep me knowing that there is, indeed, a power greater than I am. May I avail myself of that Power simply by being willing to walk humbly with my God.
Today I Will Remember
Self-will minus self equals will.
–
TAGALOG VERSION
Ika-24 ng Hulyo
Pagninilay para sa Araw na ito
Paano, sa eksaktong paraan, maaaring ibaling ng isang tao ang kanyang sariling kalooban at buhay sa pangangalaga ng isang Higher Power? Ang kailangan lang ay isang simula, gaano man kaliit. Sa oras na inilagay natin ang susi ng pagpayag sa kandado, ang pagkakandado ay mapapakawalan. Pagkatapos ang pinto mismo ay nagsisimulang magbukas, marahil ay bahagya muna; sa madaling panahon ay matutuklasan natin na maaari natin itong palagi pang buksan nang mas malawak. Ang pansariling kalooban ay maaaring muling magsara ng pinto, at madalas itong nangyayari. Ngunit ang pinto ay laging maaaring mabuksan na naman, paulit-ulit kung kinakailangan, hangga’t ginagamit natin ang ating susi ng pagpayag.
Muli ko bang pinagtibay ang aking desisyon na ibigay ang aking kalooban at ang aking buhay sa pangangalaga ng Diyos, ayon sa pagkakaunawa ko sa Kanya?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y palakasin ko ang aking desisyon na ibaling ang aking kalooban at ang aking buhay sa isang Higher Power. Nawa’y maging sapat na matatag ang aking pananampalataya upang mapanatili kong alam na mayroong, sa katunayan, isang kapangyarihang higit sa akin. Nawa’y magamit ko ang Kapangyarihang iyon sa simpleng paraan ng pagpayag na lumakad nang may kababaang-loob kasama ng aking Diyos.
Ngayon tatandaan ko…
Ang pansariling kalooban kapag binawasan ng sarili ay katumbas ng kalooban.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng GA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.
