JULY 29 Reflection for the Day

The feeling of self-pity, which we’ve all felt at one time or another, is one of the ugliest emotions we can experience. We don’t even relish the thought of admitting to others that we’re awash in self-pity. We hate being told that it shows; we quickly argue that we’re feeling another emotion instead; we go so far as to hide—cleverly—from ourselves the fact that we’re going through a siege of poor-meism. By the same token, in a split-second we can easily find several dozen valid reasons for feeling sorry for ourselves.

Do I sometimes enjoy rubbing salt into my own wounds?

Today I Pray

May I recognize the emotions I am feeling for what they are. If I am unable to point them out to myself, may I count on others who know what it’s like to be a feelings-stuffer. May I stay in touch with my feelings by staying in touch with my Higher Power and with the others in my group.

Today I Will Remember

Stay in touch.

TAGALOG VERSION

Ika-29 ng Hulyo

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang pakiramdam ng awa sa sarili, na naramdaman nating lahat sa isang pagkakataon o iba pa, ay isa sa mga pinakapangit na emosyon na maaari nating maranasan. Hindi man lang natin kinagigiliwan ang pag-iisip na aminin sa iba na tayo ay nalubog sa awa sa sarili. Kinasusuklaman natin na masabihan na ito ay nakikita sa atin; mabilis tayong makipagtalo na sa halip ay nakakaramdam tayo ng ibang emosyon; ang layo ng kaya nating puntahan para itago—nang matalino—sa ating sarili ang katotohanang dumaraan tayo sa isang paglusob ng pagiging kawawa-naman-ako. Sa parehong paraan, sa isang segundo, madali tayong makahanap ng ilang dosenang wastong dahilan para maawa sa ating sarili.

Minsan ba ay nasisiyahan ako sa pagpapahid ng asin sa sarili kong mga sugat?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y makilala ko ang mga emosyong nararamdaman ko sa kung ano sila. Kung hindi ko magawang ituro ang mga ito sa aking sarili, nawa’y umasa ako sa iba na nakakaalam kung ano ang pakiramdam ng pagiging isang taong nagkikimkim ng damdamin. Nawa’y manatiling nakikipag-ugnayan ako sa aking mga damdamin sa pamamagitan ng pananatili ng pakikipag-ugnayan sa aking Higher Power at sa iba pa sa aking grupo.

Ngayon tatandaan ko…

Manatiling nakikipag-ugnayan.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng GA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.