AUGUST 1 Reflection for the Day

Self-pity is one of the most miserable and consuming defects I know. Because of its interminable demands for attention and sympathy, my self-pity cuts off my communication with others, especially communication with my Higher Power. When I look at it that way, I realize that self-pity limits my spiritual progress. It’s also a very real form of martyrdom, which is a luxury I simply can’t afford. The remedy, I’ve been taught, is to have a hard look at myself and a still harder one at the Gamblers Anonymous Program’s Twelve Steps to Recovery.

Do I ask my Higher Power to relieve me of the bondage to self?

Today I Pray

May I know from observation that self-pitiers get almost no pity from anyone else. Nobody—not even God—can fill their outsized demands for sympathy. May I recognize my own unsavory feeling of self-pity when it creeps in to rob me of my serenity. May God keep me wary of its sneakiness.

Today I Will Remember

My captor is my self.

TAGALOG VERSION

Ika-1 ng Agosto

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang pagkaawa sa sarili ay isa sa pinakamalungkot at nakakakonsumong mga depekto na alam ko. Dahil sa walang tigil na kahilingan nito na magpapansin at humingi ng simpatya, pinahihinto ng aking pagkaawa sa sarili ang aking pakikipag-usap sa iba, lalo na ang pakikipag-usap sa aking Higher Power. Kapag tiningnan ko ito nang ganoon, napagtatanto ko na ang pagkaawa ko sa sarili ay naglilimita sa aking espirituwal na pag-unlad. Ito rin ay isang tunay na anyo ng pagkamartir, na isang karangyaan na hinding hindi ko kayang bayaran. Ang lunas, naituro sa akin, ay suriin nang mabuti ang sarili ko at suriin nang mas mabuti pa ang Labindalawang Hakbang sa Paggaling ng Programa ng Gamblers Anonymous.

Hinihiling ko ba sa aking Higher Power na bawasan sa akin ang pagkaalipin ko sa sarili?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y malaman ko mula sa pagmamasid na ang mga taong naaawa sa sarili ay halos walang awang nakukuha mula sa ibang tao. Walang sinuman—kahit na ang Diyos—ang maaaring magpuno ng kanilang labis na kahilingan para sa simpatya. Nawa’y makilala ko ang aking sariling hindi kasiya-siyang pakiramdam ng pagkaawa sa sarili kapag ito ay gumagapang paloob upang agawin sa akin ang aking kahinahunan. Nawa’y gawing maingat ako ng Diyos laban sa kabaliwan nito.

Ngayon tatandaan ko…

Ang tagahuli ko ay ang aking sarili.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.