One of the best ways to get out of the self-pity trap is to do some instant bookkeeping. For every entry of misery on the debit side of our ledger, we can surely find a blessing to mark on the credit side: the health we enjoy, the illnesses we don’t have, the friends who love us and who allow us to love them, a clean twenty-four hours, a good day’s work. If we only try, we can easily list a whole string of credits that will far outweigh the debit entries that bring about self-pity.
Is my emotional balance on the credit side today?
Today I Pray
May I learn to sort out my debits and credits, and add it all up. May I list my several blessings on the credit side. May my ledger show me, when all is totaled, a fat fund of good things to draw on.
Today I Will Remember
I have blessings in my savings.
TAGALOG VERSION
Ika-4 ng Agosto
Pagninilay para sa Araw na ito
Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan upang makawala mula sa bitag ng pagkaawa sa sarili ay ang paggawa ng mabilisang paglista ng mga nangyari sa akin. Para sa bawat pagpasok ng pagdurusa sa panig ng debito ng ating ledger, tiyak na makakahanap tayo ng isang biyayang mamarkahan sa panig ng kredito: ang kalusugan na tinatamasa natin, mga sakit na wala tayo, ang mga kaibigan na nagmamahal sa atin at pinapayagan tayong magmahal sa kanila, isang malinis na dalawampu’t apat na oras na hindi nagsugal, isang magandang produktibong araw. Kung susubukan lamang natin, madali nating maililista ang isang buong hanay ng mga kredito na higit na mas malaki kaysa sa mga pumapasok na debito na nagdudulot ng pagkaawa sa sarili.
Ang aking emosyonal na balanse ba ay nasa panig ng kredito ngayon?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y matutunan kong ayusin ang aking mga debito at kredito, at pagsama-samahin ang lahat. Nawa’y ilista ko ang aking maraming mga biyaya sa panig ng kredito. Nawa’y ipakita sa akin ng aking ledger, kapag ang lahat ay na-suma-total, ang isang matabang pondo ng magagandang bagay na pagkukuhanan ko.
Ngayon tatandaan ko…
Mayroon akong mga biyaya sa aking ipon.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.
