AUGUST 14 Reflection for the Day

Step Four enables me to see myself as I really am—my characteristics, motives, attitudes, and behaviors. I’m taught in Gamblers Anonymous to search out my mistakes resolutely. Where, for example, had I been selfish, dishonest, self-seeking, and frightened? I’m taught, also, that my deeply rooted habit of self-justification may tempt me to explain away each fault as I uncover it, blaming others for my own shortcomings.

Will I believe that personal honesty can achieve what superior knowledge often cannot?

Today I Pray

May I not make the Fourth Step a onceover-lightly, let’s-get-it-over-with exercise in self-appraisal. May I know that, once I take this Step, I must review it again many times until it becomes, like the other eleven, a way of life for me. May I protect the value of my Fourth Step from my old habit of head-tripping and buckpassing my way out of responsibility.

Today I Will Remember

Personal honesty paves the way to recovery.

TAGALOG VERSION

Ika-14 ng Agosto

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang Ika-apat na Hakbang ay nagbibigay-daan sa akin na makita ang aking sarili bilang ako talaga—ang aking mga katangian, motibo, ugali, at kilos. Tinuruan ako sa Gamblers Anonymous na hanapin ang aking mga pagkakamali nang buong tatag. Halimbawa, saan ako naging makasarili, hindi tapat, mas pinahalagahan ang sarili kaysa sa iba, at natakot? Itinuro din sa akin, na ang aking malalim na nakaugat na ugali ng pagbibigay-katwiran sa sarili ay maaaring tuksuhin ako na paliitin ang halaga sa pamamagitan ng paliwanag ang bawat pagkakamali habang inilalantad ko ito, na sinisisi ang iba sa sarili kong mga pagkukulang.

Maniniwala ba ako na makakamit ng personal na katapatan kung ano ang kadalasang hindi nagagawa ng nakatataas na kaalaman?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y hindi ko gawin ang Ika-apat na Hakbang ng isang beses lamang nang basta-basta, isang tara-tapusin-na-natin-ito na pagsasanay sa pagsusuri ng sarili. Nawa’y malaman ko na, sa sandaling gawin ko ang Hakbang na ito, kailangan kong suriin muli ito ng maraming beses hanggang sa ito ay maging, tulad ng iba pang labing-isang mga hakbang, isang paraan ng pamumuhay para sa akin. Nawa’y protektahan ko ang halaga ng aking Ika-apat na Hakbang mula sa dating ugali kong masyadong pag-iisip at pagtakas sa responsibilidad at pagpasa nito sa iba.

Ngayon tatandaan ko…

Ang personal na katapatan ay nagbibigay daan sa paggaling.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng GA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.