AUGUST 23 Reflection for the Day

I heard someone in the Gamblers Anonymous Program once read, Burn the idea into the consciousness of every man that he can get well, regardless of anyone. The only condition is that he trust in God and clean house. That is what Step Seven means to me—that I’m going to clean house and will have all the help I need.

Do I realize by taking the Seventh Step that I’m not really giving a thing, but instead getting rid of whatever might lead me back to my gambling addiction and away from peace of mind?

Today I Pray

May I know that if I should give up that key word humbly, which combines all in one my humility, my awe, my faith, I would once again be taking too much on my shoulders and assuming that the power is my own. May God in His wisdom make His will mine, His strength mine, His goodness mine. As He fills me with these Divine gifts, there can be little space left in me for looming defects.

Today I Will Remember

Trust in God and clean house.

TAGALOG VERSION

Ika-23 ng Agosto

Pagninilay para sa Araw na ito

Narinig ko minsan sa Gamblers Anonymous Program ang pagbasa ng ganito: Itanim sa kamalayan ng bawat tao na maaari siyang gumaling, anuman ang kalagayan. Ang tanging kondisyon ay magtiwala siya sa Diyos at linisin ang kanyang sarili. Iyon ang kahulugan ng Ika-Pitong Hakbang para sa akin—na lilinisin ko ang aking sarili at makakamtan ko ang lahat ng tulong na kailangan ko.

Nauunawaan ko ba na sa pagtanggap ng Ika-Pitong Hakbang ay hindi talaga ako may ibinibigay, kundi inaalis ko ang anumang maaaring magdala muli sa akin sa pagkagumon sa sugal at maglayo sa akin sa kapayapaan ng isipan?

Ngayon ipinagdarasal ko

Nawa’y maunawaan ko na kung ako’y bibitaw sa mahalagang salitang mapagpakumbaba—na naglalaman ng aking pagpapakumbaba, aking paggalang, at aking pananampalataya—muli kong aakuin ang sobrang bigat sa aking balikat at iisipin na ang kapangyarihan ay akin lamang. Nawa’y sa karunungan ng Diyos ay gawin Niyang kalooban Niya ang maging kalooban ko, ang lakas Niya ay maging lakas ko, ang kabutihan Niya ay maging kabutihan ko. Habang pinupuno Niya ako ng mga Kaloob na Banal, maliit na lamang ang espasyo sa akin para sa mga nagbabantang depekto.

Ngayon tatandaan ko…

Magtiwala sa Diyos at linisin ang sarili.



*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng GA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.