AUGUST 28 Reflection for the Day

Prayer does not change God, wrote Soren Kierkegaard, but it changes him who prays. Those of us in the Gamblers Anonymous Program who’ve learned to make regular use of prayer would no more do without it than we’d turn down sunshine, fresh air, or food—and for the same reason. Just as the body can wither and fail for lack of nourishment, so can the soul. We all need the light of God’s reality, the nourishment of His strength, and the atmosphere of His grace.

Do I thank the God of my understanding for all that He has given me, for all that He has taken away from me, and for all that He has left me?

Today I Pray

Dear Higher Power: I want to thank you for spreading calm over my confusion, for making the jangled chords of my human relationships harmonize again, for putting together the shattered pieces of my Humpty Dumpty self, for giving me as an abstinence present a whole great expanded world of marvels and opportunities. May I remain truly Yours. Yours truly.

Today I Will Remember

Prayer, however simple, nourishes the soul.

TAGALOG VERSION

Ika-28 ng Agosto

Pagninilay para sa Araw na ito

Hindi binabago ng panalangin ang Diyos, isinulat ni Soren Kierkegaard, ngunit binabago nito ang nagdarasal. Tayong nasa Programa ng Gamblers Anonymous na natutong gumamit ng regular na panalangin ay kailangan ito tulad ng hindi pagtanggi natin sa sikat ng araw, sariwang hangin, o pagkain—at sa parehong dahilan. Kung paanong ang katawan ay maaaring matuyo at mabigo dahil sa kakulangan ng pagkain, gayon din ang kaluluwa. Kailangan nating lahat ang liwanag ng katotohanan ng Diyos, ang pagpapakain ng Kanyang lakas, at ang kapaligiran ng Kanyang grasya.

Nagpapasalamat ba ako sa Diyos ng aking pang-unawa sa lahat ng ibinigay Niya sa akin, sa lahat ng inalis Niya sa akin, at sa lahat ng iniwan Niya sa akin?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Mahal kong Higher Power: Gusto kong pasalamatan ka sa pagpapakalat ng kapayapaan sa aking kalituhan, para sa muling pagtugma ng mga kuwerdas ng aking mga relasyon sa tao, para sa pagsasama-sama ng mga durog na piraso ng aking nabasag na sarili, para sa pagbibigay sa akin bilang isang regalo para sa aking pag-iwas ng isang buong mahusay at pinalawak na mundo ng mga milagro at pagkakataon. Nawa’y manatili akong tunay na Iyo. Sumasaiyo.

Ngayon tatandaan ko…

Ang panalangin, gaano man kasimple, ay nagpapalusog sa kaluluwa.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng GA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.