SEPTEMBER 5 Reflection for the Day

We’re often told that compulsive gamblers are perfectionists, impatient about any shortcomings—especially our own. We tend to set impossible goals for ourselves, struggling fiercely to reach our unattainable ideals. Then of course—since no person could possibly meet the extremely high standards we demand of ourselves—we find ourselves falling short. Discouragement and depression set in; we angrily punish ourselves for being less than superhuman. The next time around, rather than setting more realistic goals, we set them even higher. And we fall farther, then punish ourselves more severely.

Isn’t it about time I stopped setting unattainable goals for myself as well as for those around me?

Today I Pray

May God temper my own image of myself as a superperson. May I settle for less than perfection from myself, as well as from others. For only God is perfect, and I am limited by being human.

Today I Will Remember

I am not God; I am only human.


TAGALOG VERSION

Ika-5 ng Setyembre

Pagninilay para sa Araw na ito

Madalas tayong masabihan na ang mga adik sa sugal ay mga perpektoista, walang pasensya sa anumang pagkukulang—lalo na sa atin mismo. Ugali nating magtakda ng mga imposibleng layunin para sa ating mga sarili, malupit na lumalaban upang maabot ang ating mga hindi makamit na mga mithiin. Pagkatapos syempre—dahil walang taong maaaring makatugon sa mga napakataas na pamantayan na hinihiling natin sa ating sarili—nakikita natin ang ating sarili na nagkukulang. Ang panghihina ng loob at pagkalumbay ay papasok; galit nating pinaparusahan ang ating sarili sa pagiging mas mababang tao. Sa susunod, sa halip na magtakda ng mas makatotohanang mga layunin, itinatakda pa natin ang mga ito nang higit na mataas. At mas malayo tayong bumabagsak, at pagkatapos ay paparusahan ang ating mga sarili nang mas matindi.

Hindi ba oras na upang tumigil ako sa pagtatakda ng mga hindi maaabot na layunin para sa aking sarili pati na rin para sa mga nasa paligid ko?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y pahinahunin ng Diyos ang aking imahe ng sarili bilang isang napakagaling na tao. Nawa’y tanggapin ko ang kahit mas mababa kaysa pagiging perpekto mula sa aking sarili, pati na rin mula sa iba. Dahil ang Diyos lamang ang perpekto, at limitado ako sa pagiging tao.

Ngayon tatandaan ko…

Hindi ako Diyos; tao lang ako.