Many people we meet in Gamblers Anonymous radiate a kind of special glow—a joy in living that shows in their faces and bearing. They’ve put aside their obsession with gambling and have progressed to the point where they’re high on life itself. Their confidence and enthusiasm are contagious—especially to those who are new in GA. The astonishing thing to newcomers is that those same joyous people also were once heavily burdened. The miracle of their before-and-after stories and new outlook is living proof that the Program works.
Does my progress in the GA Program serve to carry the message to others?
Today I Pray
I pray that my own transformation through GA—from burdened to unburdened, beaten down to upbeat, careless to caring, tyrannized by gambling to free from gambling—will be as much inspiration for newcomers as the dramatic changes in others’ lives have been for me. May I—like those other joyous ones in the Fellowship—learn how to be high on life.
Today I Will Remember
Life is the greatest high of them all.
TAGALOG VERSION
Ika-12 ng Oktubre
Pagninilay para sa Araw na ito
Maraming taong nakakasalamuha namin sa Gamblers Anonymous ang nagpapalabas ng isang uri ng espesyal na liwanag—isang kagalakan sa pamumuhay na makikita sa kanilang mga mukha at tindig. Isinantabi nila ang kanilang pagkahumaling sa pagsusugal at umunlad sa punto kung saan sila ay ‘high’ sa buhay mismo. Ang kanilang kumpiyansa at sigasig ay nakakahawa—lalo na sa mga bago sa GA. Ang kahanga-hangang bagay para sa mga bagong dating ay ang mga taong masayahin na minsan ay mayroon ding matinding kabigatan sa buhay. Ang himala ng kanilang mga kwento at bagong pananaw sa buhay ay patunay na gumagana ang Programa.
Nagsisilbi ba ang aking pag-unlad sa GA Program na dalhin ang mensahe sa iba?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Dalangin ko na ang sarili kong pagbabago sa pamamagitan ng GA—mula sa nabibigatan tungo sa walang pasanin, pinahirapan tungo sa masigasig, pabaya hanggang sa pagmamalasakit, nilupig ng pagsusugal para makalaya sa pagsusugal—ay maging inspirasyon para sa mga bagong dating gaya ng malaking pagbabago sa buhay ng mga nauna sa akin. Nawa’y matutuhan ko—tulad ng iba pang masayahin sa Fellowship—kung paano maging ‘high’ sa buhay.
Ngayon tatandaan ko…
Ang buhay ang pinakadakilang ‘high’ sa kanilang lahat.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.