OCTOBER 23 Reflection for the Day

One’s own self is well hidden from one’s own self, a renowned philosopher once wrote. Of all mines of treasure, one’s own is the last to be dug up. The Gamblers Anonymous Twelve Steps of Recovery have enabled me to unearth my own self, the one that for so long was buried beneath my desperate need for approval from others. Thanks to the Gamblers Anonymous Program and my Higher Power, I’ve begun acquiring a true sense of self and a comfortable sense of confidence. No longer do I have to react chameleonlike, changing my color from one moment to the next, fruitlessly trying to be all things to all people.

Do I strive at all times to be true to myself?

Today I Pray

I pray that I may be honest with myself, and that I will continue—with the help of God and my friends—to try to get to know the real me. May I know that I cannot suddenly be a pulled-together, totally defined, completely consistent personality; it may take a while to develop into that personality, to work out my values and my priorities. May I know now that I have a good start on being who I want to be.

Today I Will Remember

I’m getting to be who I want to be.

TAGALOG VERSION

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang ating totoong sarili ay mahusay na nakatago mula sa ating totoong sarili, isinulat minsan ng isang kilalang pilosopo. Sa lahat ng mga minahan ng kayamanan, ang totoong sarili ang pinakahuling nahuhukay. Ang Labindalawang Hakbang ng Paggaling ng Gamblers Anonymous ay nagbigay-daan sa akin na mahukay ang aking sarili, iyong sarili ko na sa mahabang panahon ay nakalibing sa ilalim ng aking desperadong pangangailangang makatanggap ng pag-apruba mula sa iba. Salamat sa Programa ng Gamblers Anonymous at sa aking Higher Power, nagsimula akong magkaroon ng tunay na pakiramdam ng sarili at komportableng pakiramdam ng kumpiyansa. Hindi ko na kailangang gumalaw na parang hayop na mahilig magbago, binabago ang aking kulay sa bawat sandali, walang kwentang sinusubukang maging lahat ng bagay para sa lahat ng tao.

Nagsusumikap ba ako sa lahat ng oras na maging totoo sa aking sarili?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Dalangin ko na sana ay maging tapat ako sa aking sarili, at na magpatuloy ako—sa tulong ng Diyos at ng aking mga kaibigan—na subukang makilala ang totoong ako. Nawa’y malaman ko na hindi ako maaaring biglang maging isang sobrang ayos, ganap na sigurado sa sarili, lubos na tuloy-tuloy ang personalidad; maaaring tumagal ng ilang sandali upang mabuo ang personalidad na iyon, upang maitrabaho kung ano ang aking mga pinahahalagahan at ang aking mga priyoridad. Nawa’y malaman ko ngayon na mayroon akong magandang simula sa kung sino ang gusto kong maging.

Ngayon tatandaan ko…

Ako ay nagiging kung sino ang gusto kong maging.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.