OCTOBER 31 Reflection for the Day

The mystery of ego: painful when inflated and painful to deflate, often keeping me from wholeheartedly working the Gamblers Anonymous Program. Even armed with the truth, I too often fall back on the old, familiar ideas that led me to the edge of despair. It takes such work to shrink the ego, and sometimes it inflates without my knowing it. I always thought my gambling systems would work; they never did. I doubted GA would work; and it has—one day at a time.

Am I willing, just for today, to release those old ideas and count on the GA way?

Today I Pray

May I know that a puffed-up ego is inappropriate for me as a recovering compulsive gambler. It hides my faults from me. It turns people off and gets in the way of my helping others. It halts my progress because it makes me think I’ve done enough self-searching and I’m cured. I pray to my Higher Power that I may be realistic enough to accept my success in the GA Program without giving in to pride.

Today I Will Remember

Pride can halt progress.

TAGALOG VERSION

Ika-31 ng Oktubre

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang misteryo ng ego ng sarili: masakit kapag napalaki at masakit na paliitin, madalas na pumipigil sa akin ito sa buong pusong pagtatrabaho sa Programa ng Gamblers Anonymous. Kahit armado ng katotohanan, madalas akong bumabalik sa dating mga pamilyar na ideya na humantong sa akin sa dulo ng kawalan ng pag-asa. Nangangailangan ng ganoong trabaho upang paliitin ang ego ng sarili, at kung minsan ay lumalaki ito nang hindi ko nalalaman. Palagi kong iniisip na gagana ang aking mga sistema ng pagsusugal; hindi sila gumana. Nag-alinlangan akong gagana ang GA; pero gumana ito—pa-isa isang araw.

Payag ba ako, para lang sa araw na ito, na pakawalan ang mga lumang ideyang iyon at umasa sa paraan ng GA?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y malaman ko na ang isang mapagmataas na ego ng sarili ay hindi nararapat para sa akin bilang isang nagpapagaling na adik sa sugal. Itinatago nito sa akin ang mga pagkakamali ko. Napapasama nito ang loob ng mga tao at nakakasagabal sa pagtulong ko sa iba. Pinipigilan nito ang aking pag-unlad dahil iniisip kong nagawa ko na ang sapat na paghahanap sa sarili at gumaling na ako. Idinadalangin ko sa aking Higher Power na sana ay maging sapat na makatotohanan ako upang tanggapin ang aking tagumpay sa Programa ng GA nang hindi nagpapadala sa pagmamataas.

Ngayon tatandaan ko…

Maaaring ihinto ng pagmamataas ang pag-unlad.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.