DECEMBER 14 Reflection for the Day

Some of us in Gamblers Anonymous are inclined to make the mistake of thinking that the few moments we spend in prayer and meditation—in talking with God—are all that count. The truth is that the attitude we maintain throughout the entire day is just as important. If we place ourselves in God’s hands in the morning, and throughout the day hold ourselves ready to accept His will as it is made known through the events of our daily life, our attitude of acceptance becomes a constant prayer.

Can I try to cultivate an attitude of total acceptance each day?

Today I Pray

May I maintain contact with my Higher Power all through my day, not just check in for a prayer now and then. May my communion with God never become merely a casual aside. May I come to know that every time I do something that is in accord with God’s will I am living a prayer.

Today I Will Remember

Prayer is an attitude.

TAGALOG VERSION

Ika-14 ng Disyembre

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang ilan sa atin sa Gamblers Anonymous ay madalas na magkamali sa pag-iisip na ang ilang sandali na ginugugol natin sa panalangin at pagninilay-nilay—sa pakikipag-usap sa Diyos— ay ang tanging mahalaga. Ang katotohanan ay ang saloobin na pinananatili natin sa buong araw ay kasinghalaga. Kung ilalagay natin ang ating sarili sa mga kamay ng Diyos sa umaga, at sa buong maghapon ay handang tanggapin ang Kanyang kalooban habang ito ay ipinaalam sa pamamagitan ng mga kaganapan sa ating pang-araw-araw na buhay, ang ating saloobin ng pagtanggap ay nagiging palaging panalangin.

Maaari ko bang subukan na linangin ang isang saloobin ng totoong pagtanggap sa bawat araw?

Ngayon Ipinagdarasal Ko…

Nawa’y mapanatili ko ang pakikipag-ugnayan sa aking Higher Power sa buong araw ko, hindi lamang magparamdam para sa isang panalangin paminsan-minsan. Nawa’y ang aking pakikipag-ugnayan sa Diyos ay hindi maging kaswal lamang. Nawa’y malaman ko na sa tuwing gumagawa ako ng isang bagay na naaayon sa kalooban ng Diyos ay namumuhay ako sa isang panalangin.

Ngayon tatandaan ko…

Ang panalangin ay isang saloobin.



*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.