DECEMBER 17 Reflection for the Day

More and more these days, as I progress in my recovery, I seem be quietly waiting to hear my Higher Power’s unmistakable voice within me. Prayer is becoming a two-way street—of seeking and listening, of searching and finding. A favorite bit of Scripture for me is, Be still and know that I am God.

Do I pay quiet and loving attention to my Higher Power, confident that an enlightened knowledge of His will can come to me?

Today I Pray

As I seek to know my Higher Power, may I learn the best ways—for me—to reach and hear Him. May I begin to feel prayer, not just listen to the sound of my own verbalizing. May I feel the sharp outlines of my humanness fading as His Godliness becomes a part of me. May I feel that I am one with Him.

Today I Will Remember

Feel the stillness of God.

TAGALOG VERSION

Ika-17 ng Disyembre

Pagninilay para sa Araw na ito

Ngayon, habang tumatagal, habang umuunlad ako sa aking paggaling, tila ako ay tahimik na naghihintay na marinig ang hindi mapag-aalinlanganang boses ng aking Higher Power sa loob ko. Ang panalangin ay nagiging isang two-way street—ng paghahangad at pakikinig, ng paghahanap at pagtuklas. Ang isang paboritong bahagi ng Banal na Kasulatan para sa akin ay, Tumigil at alamin na ako ang Diyos.

Ako ba ay nagbibigay ng tahimik at mapagmahal na atensyon sa aking Higher Power, nagtitiwala na ang isang maliwanag na kaalaman sa Kanyang kalooban ay maaaring dumating sa akin?

Ngayon Ipinagdarasal Ko…

Habang hinahanap ko ang aking Higher Power, nawa’y matutuhan ko ang pinakamabuting paraan—para sa akin—upang maabot at marinig Siya. Nawa’y magsimula akong makaramdam ng panalangin, hindi lamang makinig sa tunog ng aking sariling pananalita. Nawa’y madama ko ang matalim na balangkas ng aking pagiging tao na kumukupas habang ang Kanyang pagiging maka-Diyos ay nagiging bahagi ko. Nawa’y maramdaman ko na ako ay kasama Niya.

Ngayon tatandaan ko…

Damhin ang katahimikan ng Diyos.



*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.