FEBRUARY 24 Reflection for the Day

I can banish fear by realizing the truth. Am I afraid to be alone? This fear can be banished by the realization that I am never alone, that God is always with me wherever I am and whatever I do. Am I afraid that I won’t have enough money to meet my needs? This fear can be banished by the realization that God is my inexhaustible, unfailing resource, now and always.

Today I have the power to change fear into faith. Can I say with confidence, I will trust, and I will not be afraid?

Today I Pray

That I may fear no evil, for God is with me. That I may learn to turn to my Higher Power when I am afraid. I pray diligently that my faith in God—and trust in what God has in store for me—is strong enough to banish the fears that undermine my courage.

Today I Will Remember

Turn fear into faith.

TAGALOG VERSION

Ika-24 ng Pebrero

Pagninilay para sa Araw na ito

Kaya kong maitaboy ang takot sa pamamagitan ng pagkilala sa katotohanan. Natatakot ba akong mag-isa? Ang takot na ito ay maaaring maalis sa pamamagitan ng pagunawa na hindi ako nag-iisa, na ang Diyos ay laging kasama ko saan man ako naroroon at anuman ang aking ginagawa. Natatakot ba ako na hindi ako magkakaroon ng sapat na pera para matugunan ang aking mga pangangailangan? Ang takot na ito ay maaaring mapalayas sa pamamagitan ng pagunawa na ang Diyos ang aking hindi mauubos, hindi nagkukulang na mapagkukunan, ngayon at magpakailanman.

Ngayon ay may kapangyarihan akong baguhin ang takot at gawing pananampalataya. Masasabi ko ba nang may kumpiyansa, magtitiwala ako, at hindi ako matatakot?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Na ako’y huwag matakot sa kasamaan, sapagka’t ang Diyos ay kasama ko. Na ako ay matutong bumaling sa aking Higher Power kapag ako ay natatakot. Masigasig akong nagdarasal na ang aking pananampalataya sa Diyos—at ang pagtitiwala sa kung ano ang inilalaan ng Diyos para sa akin—ay sapat na malakas upang pawiin ang mga takot na nagpapahina sa aking lakas ng loob.

Ngayon tatandaan ko…

Gawing pananampalataya ang takot.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.