FEBRUARY 25 Reflection for the Day

Before we came to Gamblers Anonymous, fear ruled our lives. Tyrannized by our addictions and obsessions, we feared everything and everybody. We feared ourselves and, perhaps most of all, feared fear itself. These days, when I am able to accept the help of my Higher Power, it makes me feel capable of doing anything I am called upon to do. I am overcoming my fears and acquiring a comfortable new confidence.

Can I believe that courage is fear that has said its prayers…?

Today I Pray

God grant that through faith I may overcome my obsessive fears. I have been running scared for so long, it has become a habit. God help me to see that I may be purposely clinging to my fears to avoid making decisions, perhaps even to shirk the responsibility of success.

Today I Will Remember

Fear hides behind indecision.

TAGALOG VERSION

Ika-25 ng Pebrero

Pagninilay para sa Araw na ito

Bago tayo dumating sa Gamblers Anonymous, takot ang namuno sa ating buhay. Pinahirapan ng ating mga adiksyon at mga kinahuhumalingan, natakot tayo sa lahat ng bagay at sa lahat ng tao. Natakot tayo sa ating sarili at, marahil higit sa lahat, natakot sa takot mismo. Sa mga araw na ito, kapag natatanggap ko na ang tulong ng aking Higher Power, nararamdaman kong kaya kong gawin ang anumang bagay na ipinagagawa sa akin. Nalalampasan ko ang aking mga takot at nakakakuha ng kumportableng bagong kumpiyansa.

Maaari ba akong maniwala na ang lakas ng loob ay takot na nagdarasal…?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Ipagkaloob ng Diyos na sa pamamagitan ng pananampalataya ay madaig ko ang aking labis na takot. Matagal na akong tumatakbong takot, naging ugali na. Diyos tulungan mo akong makita na maaaring sinasadya kong kumapit sa aking mga takot upang maiwasan ang paggawa ng mga desisyon, marahil upang talikuran din ang responsibilidad ng tagumpay.

Ngayon tatandaan ko…

Ang takot ay nagtatago sa likod ng pag-aalinlangan.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.