MAY 8 Reflection for the Day

I’ve learned in the Gamblers Anonymous Program that I need not apologize to anyone for depending upon God as I understand Him. In fact, I now have good reason to disbelieve those who think spirituality is the way of weakness. For me, it is the way of strength. The verdict of the ages is that men and women of faith seldom lack courage. They trust their God. So I never apologize for my belief in Him, but, instead, I try to let Him demonstrate, through me and those around me, what He can do.

Do I walk as I talk?

Today I Pray

May my faith be confirmed as I see how God has worked through others since the beginning of time. May I see that the brave ones, the miracle-workers, the happy people are those who have professed their spirituality. May I see, even now as I look around, how God works through those who believe in Him.

Today I Will Remember

To watch God at work.

TAGALOG VERSION

Ika-8 ng Mayo

Pagninilay para sa Araw na ito

Natutunan ko sa Programa ng Gamblers Anonymous na hindi ko kailangang humingi ng paumanhin sa sinuman para sa pagdepende ko sa Diyos ayon sa pagkakaunawa ko sa Kanya. Sa katunayan, mayroon akong magandang dahilan ngayon upang hindi maniwala sa mga nag-aakalang ang espirituwalidad ay ang landas ng kahinaan. Para sa akin, ito ang landas ng kalakasan. Ang hatol ng napakatagal na panahon ay ang mga taong may pananampalataya ay bihirang nagkulang ng lakas ng loob. Nagtitiwala sila sa kanilang Diyos. Kaya’t hindi ako kailanman humihingi ng paumanhin para sa aking paniniwala sa Kanya, sa halip, sinusubukan kong hayaang ipakita Niya, sa pamamagitan ko at ng mga nasa paligid ko, kung ano ang magagawa Niya.

Sinasamahan ko ba ng gawa ang aking salita?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa ang aking pananampalataya ay mapatunayan habang nakikita ko kung paano ang Diyos ay nagtrabaho sa iba simula pa ng sinaunang panahon. Nawa’y makita ko na ang mga matatapang, ang mga gumagawa ng himala, ang masasayang tao ay ang mga nagpahayag ng kanilang espirituwalidad. Nawa’y makita ko, kahit ngayon habang tinitingnan ko ang aking paligid, kung paano nagtatrabaho ang Diyos sa pamamagitan ng mga naniniwala sa Kanya.

Ngayon tatandaan ko…

Panoorin ang Diyos na nagtatrabaho.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.