Perfect courage, wrote La Rochefocauld, means doing unwitnessed what we would be capable of with the world looking on. As we grow in the Gamblers Anonymous Program, we recognize persistent fear for what it is, and we become able to handle it. We begin to see each adversity as a God-given opportunity to develop the kind of courage that is born of humility, rather than of bravado.
Do I realize that whistling to keep up my courage is merely good practice for whistling?
Today I Pray
May I find courage in my Higher Power. Since all things are possible through God, I must be able to overcome the insidious fears that haunt me—so often fears of losing someone or something that has become important in my life. I pray for my own willingness to let go of those fears.
Today I Will Remember
Praying is more than whistling in the dark.
TAGALOG VERSION
Ika-9 ng Mayo
Pagninilay para sa Araw na ito
Ang perpektong lakas ng loob, isinulat ni La Rochefocauld, ay nangangahulugang paggawa kahit walang nakakakita ng mga bagay na kaya nating gawin kung nakatingin ang mundo. Habang lumalago tayo sa Programa ng Gamblers Anonymous, kinikilala natin ang paulit-ulit na takot sa kung ano ito talaga, at nakakayanan natin itong harapin. Sinisimulan nating makita ang bawat kahirapan bilang isang pagkakataon mula sa Diyos upang paunlarin ang uri ng lakas ng loob na ipinanganak sa kababaang-loob, sa halip na sa pagtatapang-tapangan lamang.
Napagtanto ko ba na ang pagsipol upang mapanatili ang aking lakas ng loob ay isang mabuting kasanayan lamang sa pagsipol?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y makahanap ako ng lakas ng loob sa aking Higher Power. Dahil ang lahat ng bagay ay posible sa Diyos, dapat kaya kong mapagtagumpayan ang mga lihim na mapanirang takot na sumasagi lagi sa aking isipan—napakadalas na takot na mawalan ng isang tao o isang bagay na naging mahalaga sa aking buhay. Ipinagdarasal ko ang aking sariling pagpayag upang pakawalan ang mga takot na iyon.
Ngayon tatandaan ko…
Ang pagdarasal ay higit pa sa pagsipol sa kadiliman.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.