MAY 13 Reflection for the Day

When a person wakes up each morning and rises, with nerves screaming and sick at heart, to face frightening reality; when a person stumbles through the day in a pit of despair, wishing to die, but refusing to die; when a person gets up the next day and does it all over again—well, that takes guts. That takes a kind of real, basic survival courage, a courage that can be put to good use if that person ever finds his or her way to Gamblers Anonymous. That person has learned courage the hard way, and when that person comes to the GA Program, he or she will find new and beautiful ways to use it.

Have I the courage to keep trying, one day at a time?

Today I Pray

May I put the guts-to-survive kind of courage left over from my gambling days into good use in the Program. If I was able to hang on enough to live through the miseries of my addiction, may I translate that same will to survive into my recovery program. May I use my courage in new, constructive ways.

Today I Will Remember

God preserved me to help carry out His purpose.

TAGALOG VERSION

Ika-13 ng Mayo

Pagninilay para sa Araw na ito

Kapag ang isang tao ay gumigising tuwing umaga at bumabangon, na may kabang sumisigaw at sobrang malungkot at nagluluksa, upang harapin ang nakakatakot na katotohanan; kapag ang isang tao ay paulit-ulit na nadadapa sa kanyang buong araw sa isang hukay ng kawalan ng pag-asa, nagnanais na mamatay, ngunit tumatangging mamatay; kapag ang isang tao ay bumabangon sa susunod na araw at ginagawa itong muli—sa totoo lang, nangangailangan iyon ng lakas ng loob. Nangangailangan iyon ng isang uri ng tunay at pangunahing lakas ng loob na mabuhay, isang lakas ng loob na maaaring magamit nang mabuti kung mahahanap ng taong iyon ang kanyang landas patungo sa Gamblers Anonymous. Natutunan ng taong iyon ang lakas ng loob sa mahirap na paraan, at pagdating ng taong iyon sa Programa ng GA, mahahanap niya ang mga bago at magagandang paraan upang magamit ito.

Mayroon ba akong lakas ng loob na magpatuloy na sumubok, paisa-isang araw lamang?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y magamit ko nang mabuti sa Programa ng GA ang napakatapang na uri ng lakas na loob na natira sakin mula sa mga araw ng pagsusugal ko dati. Kung nakayanan kong magpatuloy sa buhay ko na puno ng mga pagdurusa dahil sa adiksyon, nawa’y isalin ko iyong parehong kalooban na mabuhay sa aking programa sa paggaling. Nawa’y gamitin ko ang aking lakas ng loob sa mga bago at nakatutulong na paraan.

Ngayon tatandaan ko…

Iningatan ako ng Diyos upang makatulong ako na maisakatuparan ang Kanyang layunin.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.