MAY 16 Reflection for the Day

Many of us in the Gamblers Anonymous Program share the memory that we originally gambled to belong, to be a big shot, or to be a part of the crowd. Others of us fueled our addictions in order to get in—to feel, at least for a short time, that we fitted in with the rest of the human race. Sometimes, our gambling had the desired effect, temporarily assuaging our feelings of apartness. But when the rush of the action wore off, we were left feeling more alone, more left out, more different than ever.

Do I sometimes feel that my case is different?

Today I Pray

God, may I get over my feeling of being different or in some way unique, of not belonging. Perhaps it was this feeling that led me to gambling in the first place. It also kept me from seeing the seriousness of my addiction, since I thought I am different. I can handle it. May I now be aware that I do belong, to a vast Fellowship of people like me. With every shared experience, my uniqueness is disappearing.

Today I Will Remember

I am not unique.

TAGALOG VERSION

Ika-16 ng Mayo

Pagninilay para sa Araw na ito

Marami sa atin sa Programa ng Gamblers Anonymous ang nagbabahagi ng alaala na nagsugal tayo sa simula upang mapabilang, upang maging isang makapangyarihang tao, o upang maging bahagi ng karamihan. Ang iba sa atin ay nagpalakas ng ating adiksyon upang makapasok—maramdaman, kahit papaano sa maikling panahon, na nababagay tayo sa sangkatauhan. Minsan, nagagampanan ng ating pagsusugal ang ninanais na epekto, pansamantalang pinatatahimik ang ating mga pakiramdam ng pagiging hiwalay. Ngunit kapag naglaho na ang katuwaan ng mga nangyari, naiwan tayong naramdaman na higit na nag-iisa, mas napag-iwanan, mas naiiba kaysa dati.

Nararamdaman ko ba minsan na iba ang aking kalagayan?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Diyos ko, nawa’y mawala sa akin ang pakiramdam na ako ay naiiba o na kahit papaano ay walang katulad, na hindi kabilang. Marahil ang pakiramdam na ito ang nagdala sa akin sa pagsusugal sa simula pa lamang. Pinigilan din ako nito na makita kung gaano kaseryoso ang aking adiksyon, sapagkat naisip kong naiiba ako. Kakayanin ko ito. Nawa’y magkaroon ako ng kamalayan ngayon na ako ay kabilang sa isang malawak na Fellowship ng mga taong tulad ko. Sa bawat karanasang ibinabahagi, nawawala ang aking pagiging kakaiba.

Ngayon tatandaan ko…

Hindi ako kakaiba.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.