MAY 17 Reflection for the Day

If we felt guilty, degraded, or ashamed of either our addiction itself or the things we did while in action, that served to magnify our feelings of being outcasts. On occasion, we secretly feared or actually believed that we deserved every painful feeling; we thought, at times, that we truly were outsiders. The dark tunnel of our lives seemed formidable and unending. We couldn’t even voice our feelings and could hardly bear to think about them. So we soon gambled again.

Do I remember well what it used to be like?

Today I Pray

May I remember how often, during my gambling days, I felt alone with my shame and guilt. The phony jollity of a gambling party or the shallow relationships struck up at a casino could not keep me from feeling like an outsider. May I appreciate the chance to make new friends through the Fellowship. May I know that my relationships now will be saner, less dependent, more mature.

Today I Will Remember

Thank God for new friends.

TAGALOG VERSION

Ika-17 ng Mayo

Pagninilay para sa Araw na ito

Kung tayo ay nakaramdam na tayo ay makasalanan, mababa ang sarili, o nahihiya sa ating adiksyon mismo o sa mga bagay na ating nagawa habang tayo ay nag-aadik; ginawa nitong palakihin ang ating mga pakiramdam bilang mga itinakwil. Kung minsan, patagong natakot tayo o talagang naniwala na marapat nating matanggap ang bawat masakit na damdamin; inisip natin, paminsan-minsan, na tayo ay tunay na mga tagalabas. Ang madilim na lagusan ng ating mga buhay ay tila nakakatakot at walang katapusan. Hindi rin natin kayang ilabas ang ating mga nararamdaman at halos hindi natin kayang isipin ang mga ito. Kaya mayamaya ay nagsugal tayong muli.

Naaalala ko bang mabuti kung paano ito noon?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y maalala ko kung gaano kadalas, noong panahon ng pagsusugal ko, na naramdaman kong ako ay mag-isa kasama ng aking kahihiyan at pagkakasala. Ang mababaw na kaligayahan na dala ng pagtitipon sa pagsusugal o ang mga pekeng relasyong nabuo ko sa casino ay hindi kayang ilayo ako sa pakiramdam na parang isang tagalabas. Nawa’y mapahalagahan ko ang pagkakataong gumawa ng mga bagong kaibigan sa pamamagitan ng Fellowship. Nawa’y maunawaan ko na ang mga relasyon ko ngayon ay magiging mas matino, mas hindi nakadepende, at mas umunlad.

Ngayon tatandaan ko…

Salamat sa Diyos para sa mga bagong kaibigan.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.