MAY 25 Reflection for the Day

When we’re new in Gamblers Anonymous, we’re novices at reaching out for friendship—or even accepting it when it’s offered. Sometimes we’re not quite sure how to do it or, indeed, whether it will actually work. Gradually, however, we become restored; we become teachable. We learn, for example, as Molière wrote, The more we love our friends, the less we flatter them.

Just for today, will I reach out if I need a friend?

Today I Pray

May God help me to discover what true friendship is. In my new relationships, I pray that I may not be so eager for approval that I will let myself be dishonest—through flattery, half-truths, false cheeriness, protective white lies.

Today I Will Remember

A friend is honest.

TAGALOG VERSION

Ika-25 ng Mayo

Pagninilay para sa Araw na ito

Kapag bago tayo sa Gamblers Anonymous, baguhan tayo sa paglapit sa iba upang makipagkaibigan—baguhan din sa pagtanggap ng pakikipagkaibigan kapag inalok ito. Minsan hindi tayo sigurado kung paano ito gagawin o, sa katunayan, kung gagana ba talaga ito. Gayunpaman, unti-unti, naiaayos tayo; nagiging bukas tayo na maturuan. Natututunan natin, halimbawa, tulad ng isinulat ni Molière, Kung gaanong higit na mahal natin ang ating mga kaibigan, mas hindi natin sila binobola.

Sa araw lamang na ito, makikipag-ugnayan ba ako sa iba kung kailangan ko ng kaibigan?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y tulungan ako ng Diyos na matuklasan kung ano ang totoong pagkakaibigan. Sa aking mga bagong pakikipag-ugnayan, ipinagdarasal ko na sana hindi ako masyadong sabik na makatanggap ng pag-apruba ng iba na hahayaan ko ang aking sarili na maging hindi tapat—sa pamamagitan ng pambobola, mga bahagyang katotohanan, pekeng katuwaan, mga maliliit na kasinungalingang sinasabi upang hindi makapanakit ng iba.

Ngayon tatandaan ko…

Ang kaibigan ay tapat.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.