The Gamblers Anonymous Program teaches me that not too many people can truthfully assert that they love everybody. Most of us have to admit that we’ve loved only a few, and that we’ve been quite indifferent to many. As for the rest, well, we’ve really disliked or hated them. We in Gamblers Anonymous find we need something much better than this in order to keep our balance. The idea that we can be possessively loving of a few, can ignore the many, and can continue to fear or hate anyone at all, has to be abandoned—if only a little at a time.
At meetings, do I concentrate on the message rather than the messenger?
Today I Pray
May I understand that there is no place in my recovery from compulsive gambling—or in my entire life—for toxic hatred or lackadaisical indifference. One of the most important positive ideas that I must carry with me is that all humans, as the children of God, make up a loving brother- and sisterhood. May I find it hard to hate a brother or sister.
Today I Will Remember
Hear the message. Don’t judge the messenger.
TAGALOG VERSION
Ika-5 ng Hunyo
Pagninilay para sa Araw na ito
Tinuturo sa akin ng Programa ng Gamblers Anonymous na iilang tao lamang ang kayang sabihin na tunay nilang minamahal ang lahat. Karamihan sa atin ay aaminin na iilan lamang ang ating minahal, at na tayo ay wala nang pakialam sa marami. Sa natitirang iba naman, hindi natin sila talaga gusto o kaya ay galit tayo sa kanila. Tayo sa Gamblers Anonymous ay naniniwalang kailangan natin ng mas mahusay pa rito upang panatilihin ang ating balanse. Ang ideya na kaya lang natin mapang-angkin na mahalin ang iilan, kayang hindi pansinin ang karamihan, at kayang patuloy na katakutan o kamuhian ang sinuman, ay dapat iwanan—kahit paunti-unti lamang.
Sa mga meeting, ako ba ay nakatuon sa mensahe sa halip na sa mensahero?
Ngayon ipinagdarasal ko
Nawa’y maunawaan ko na walang lugar sa aking paggaling mula sa adiksyon sa pagsusugal—o sa buong buhay ko—ang nakakalason na galit o ang walang kabuhay-buhay na pagwawalang-bahala. Isa sa pinaka mahalagang ideya na dapat kong dalhin ay na tayong lahat, bilang mga anak ng Diyos, ay bumubuo ng isang nagmamahalang kapatiran. Nawa’y mahirapan ako na magalit sa isang kapatid.
Ngayon tatandaan ko
Pakinggan ang mensahe. Huwag husgahan ang mensahero.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.