JUNE 7 Reflection for the Day

Few of us are entirely free from a sense of guilt. We may feel guilty for things we’ve said or done—of things we’ve left unsaid or undone. We’re so used to that gnawing guilt that even when we’re accused falsely we still feel guilty. When I’m troubled by naggings of guilt, obviously I can’t put into my day all the energy I’m capable of. So I must rid myself of guilt—not by pushing it aside or ignoring it, but by identifying it and correcting the cause.

Have I finally begun to learn to Keep It Simple?

Today I Pray

Since guilt is such a familiar feeling for a compulsive gambler, may I learn to understand when my feelings are simply natural regret at what has happened and when I am taking on a pose of perpetual guilt. I count on God to help me sort out and get rid of these twinges and pangs of guilt, which need to be recognized and unloaded.

Today I Will Remember

The verdict of guilty is not for life.

TAGALOG VERSION

Ika-7 ng Hunyo

Pagninilay para sa Araw na ito

Kaunti lamang sa atin ang ganap na malaya mula sa isang pakiramdam ng pagkakasala. Maaari tayong makaramdam ng pagkakasala sa mga bagay na nasabi o nagawa natin—sa mga bagay na naiwan nating hindi nasabi o hindi nagawa. Nasanay na tayo sa pagkakasala na patuloy na nakababahala na kahit na na-akusahan tayo nang mali ay nararamdaman pa rin natin na tayo ang may sala. Kapag nababagabag ako ng mga patuloy na pakiramdam ng pagkakasala, malinaw naman na hindi ko kayang mailagay sa aking araw ang lahat ng lakas na kaya ko sanang gawin. Kaya dapat kong tanggalin ang pagkakasala sa aking sarili—hindi sa pamamagitan ng pagsasantabi nito o hindi pagpansin nito, ngunit sa pamamagitan ng pagkilala nito at pagwawasto ng sanhi.

Nagsimula na ba akong matuto na Panatilihin Itong Simple?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Dahil ang pagkakasala ay isang pamilyar na pakiramdam para sa isang adik sa sugal, nawa’y matutunan kong maunawaan kung ang aking mga damdamin ay simpleng likas na panghihinayang sa nangyari at kung nagkakaroon ako ng isang saloobin ng panghabambuhay na pagkakasala. Umaasa ako sa Diyos na tutulungan ako na ayusin at tanggalin ang mga matitinding kirot ng pagkakasala, na kailangang makilala at maalis.

Ngayon tatandaan ko…

Ang hatol ng pagkakasala ay hindi habambuhay.



*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.