If we don’t want to slip, we’ll avoid slippery places. For the gambler, that means shunning poker parties and race tracks and anywhere that gambling is taking place. For me, certain emotional situations can also be slippery places; so can indulgence in old ideas, such as a well-nourished resentment that is allowed to build to explosive proportions.
Do I carry the principles of the Gamblers Anonymous Program with me wherever I go?
Today I Pray
May I learn not to test myself too harshly by asking for it, by stopping in at the casino, the Bingo hall, or the track. Such testing can be dangerous, especially if I am egged on, not only by a craving for the old object of my addictions, but by others still caught in addiction whose moral responsibility has been reduced to zero.
Today I Will Remember
Avoid slippery places.
TAGALOG VERSION
Ika-1 ng Abril
Pagninilay para sa Araw na ito
Kung ayaw nating madulas at magkamali, iiwasan natin ang mga madudulas na lugar. Para sa sugarol, nangangahulugan iyon ng pag-iwas sa mga poker party at mga karerahan at saanman nagaganap ang pagsusugal. Para sa akin, ang ilang emosyonal na sitwasyon ay maaari ding maging mga madudulas na lugar; gayundin ang magpasasa sa mga lumang ideya, tulad ng isang palaging pinapakain na sama ng loob na pinapayagang lumaki nang sobra hanggang pumutok.
Dala ko ba ang mga prinsipyo ng Programa ng Gamblers Anonymous saanman ako magpunta?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y matuto akong huwag subukan ang aking sarili nang labis sa pamamagitan ng paghingi nito, sa pamamagitan ng paghinto sa casino, sa Bingo hall, o sa karerahan. Ang gayong pagsubok ay maaaring mapanganib, lalo na kung ako ay sulsulan, hindi lamang sa pamamagitan ng pananabik para sa mga lumang bagay na gusto ng aking mga adiksyon, kundi ng iba pang tao na nakakulong pa rin sa adiksyon at ang kanilang moral na responsibilidad ay nabawasan na sa wala.
Ngayon tatandaan ko…
Iwasan ang mga madudulas na lugar.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.