APRIL 10 Reflection for the Day

Change is the characteristic of all growth, from reckless action to thoughtfulness, from dishonesty to honesty, from conflict to serenity, from childish dependence to adult responsibility—all this and infinitely more represent change for the better. Only God is unchanging; only God has all the truth there is.

Do I accept the belief that lack of power was my dilemma? Have I found a power by which I can live—a Power greater than myself?

Today I Pray

I pray that the Gamblers Anonymous Program will be, for me, an outline for change—for changing me. These days of transition from compulsive gambling to abstinence, from powerlessness to power through God, may be rocky, as change can be. May my restlessness be stilled by the unchanging nature of God, in whom I place my trust. Only God is whole and perfect and predictable.

Today I Will Remember

I can count on my Higher Power.

TAGALOG VERSION

Ika-10 ng Abril

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang pagbabago ay katangian ng lahat ng pag-unlad, mula sa walang ingat na pagkilos hanggang sa pagkamaalalahanin, mula sa walang katapatan hanggang sa katapatan, mula sa labanan hanggang sa kahinahunan, mula sa pagiging bata hanggang sa pagkakaroon ng responsibilidad—lahat ito at higit pang marami ay kumakatawan sa pagbabago para sa ikabubuti. Ang Diyos lamang ang hindi nagbabago; tanging ang Diyos lamang ang may lahat ng katotohanang mayroon.

Tinatanggap ko ba ang paniniwala na ang kawalan ng kapangyarihan ang aking suliranin? Nakatagpo ba ako ng kapangyarihan kung saan ako mabubuhay—isang Kapangyarihang mas dakila kaysa sa aking sarili?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Dalangin ko na ang Programa ng Gamblers Anonymous ay magiging, para sa akin, isang balangkas para sa pagbabago—para sa pagbabago sa akin. Ang mga araw na ito ng paglipat mula sa adiksyon sa pagsusugal tungo sa pag-iwas, mula sa kawalan ng kapangyarihan tungo sa kapangyarihan sa pamamagitan ng Diyos, ay maaaring maging mabato, gaya ng pagbabago. Nawa’y mapawi ang aking kabagabagan sa pamamagitan ng hindi nagbabagong kalikasan ng Diyos, kung kanino ako nagtitiwala. Ang Diyos lamang ang buo at perpekto at nakikinita.

Ngayon tatandaan ko…

Makakaasa ako sa aking Higher Power.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.