The Gamblers Anonymous Program teaches me to remain on guard against impatience, lapses into self-pity, and resentments of the words and deeds of others. Though I must never forget what it used to be like, neither should I permit myself to take tormenting excursions into the past—merely for the sake of self-indulgent morbidity. Now that I’m alert to the danger signals, I know I’m improving day by day.
If a crisis arises, or any problem baffles me, do I hold it up to the light of the Serenity Prayer?
Today I Pray
I pray for perspective as I review the past. May I curb my impulse to upstage and outdo the members of my group by regaling them with the horrors of my addiction. May I no longer use the past to document my self-pity or submerge myself in guilt. May memories of those miserable earlier days serve me only as sentinels, guarding against hazardous situations or unhealthy sets of mind.
Today I Will Remember
I cannot change the past.
TAGALOG VERSION
Ika-17 ng Abril
Pagninilay para sa Araw na ito
Ang Programa ng Gamblers Anonymous ay nagtuturo sa akin na manatiling mapagbantay laban sa kawalan ng pasensya, pagkahulog sa awa sa sarili, at mga hinanakit sa mga salita at gawa ng iba. Bagama’t hindi ko dapat kalimutan kung ano ang dati, hindi ko rin dapat pahintulutan ang aking sarili sa parusang paglalakbay sa nakaraan—dahil lamang gusto kong saktan ang aking sarili. Ngayong alerto na ako sa mga senyales ng panganib, alam kong bumubuti ako araw-araw.
Kung lumitaw ang isang krisis, o ginugulo ako ng anumang problema, dinadala ko ba ito sa liwanag ng Panalangin para sa Kahinahunan o Serenity Prayer?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nagdarasal ako para sa tamang pananaw habang sinusuri ko ang nakaraan. Nawa’y pigilan ko ang aking udyok na umangat sa entablado at malampasan ang mga miyembro ng aking grupo sa pamamagitan ng paglibang sa kanila sa mga kakila-kilabot na nangyari sa aking adiksyon. Nawa’y hindi ko na gamitin ang nakaraan para idokumento ang aking awa sa sarili o isubsob ang aking sarili sa pagkakasala. Nawa’y ang mga alaala ng mga kaawa-awang mga nakaraang araw na iyon ay magsilbi lamang sa akin bilang mga guwardya, na nagbabantay laban sa mga mapanganib na sitwasyon o hindi malusog na pag-iisip.
Ngayon tatandaan ko…
Hindi ko na mababago ang nakaraan.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.