What causes slips? What happens to a person who apparently seems to understand and live the Twelve Step way, yet decides to go out gambling again? What can I do to keep this from happening to me? Is there any consistency among those who slip, any common denominators that seem to apply? We can each draw our own conclusions, but we learn in the Gamblers Anonymous Program that certain inactions will all but guarantee an eventual slip.
When a person who has slipped is fortunate enough to return to the Program, do I listen carefully to what he or she says about the slip?
Today I Pray
May my Higher Power show me if I am setting myself up to gamble again. May I glean from the experiences of others that the reasons for such a lapse of resolve or such an accident of will most often stem from what I have not done rather than from what I have done. May I keep coming back to meetings.
Today I Will Remember
Keep coming back.
TAGALOG VERSION
Ika-2 ng Abril
Pagninilay para sa Araw na ito
Ano ang nagiging sanhi ng pagkadulas at pagkakamali? Ano ang nangyayari sa isang tao na tila nauunawaan at namumuhay sa paraan ng Labindalawang Hakbang, ngunit nagpasiyang lumabas at muling magsugal? Ano ang maaari kong gawin upang hindi ito mangyari sa akin? Mayroon bang anumang pagkakapare-pareho sa mga nadulas at nagkamali, anumang mga karaniwang katangian na tila naaangkop sa kanila? Bawat isa sa atin ay makakagawa ng ating sariling mga konklusyon, ngunit natututunan natin sa Programa ng Gamblers Anonymous na ang ilang mga hindi pagkilos ay gagarantiyahan ang tuluyang pagkadulas at pagkakamali.
Kapag ang isang taong nadulas at nagkamali ay pinalad na makabalik sa Programa, nakikinig ba ako nang mabuti sa kanyang sinasabi tungkol sa pagkadulas at pagkakamali?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y ipakita sa akin ng aking Higher Power kung itinatakda ko na ang aking sarili na sumugal muli. Nawa’y mapulot ko mula sa mga karanasan ng iba na ang mga dahilan para sa gayong pagkalimot ng panata o gayong aksidente ng kalooban ay kadalasang nagmumula sa hindi ko nagawa kaysa sa nagawa ko. Nawa’y patuloy akong bumalik sa mga meeting.
Ngayon tatandaan ko…
Balik ka lang ng balik.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.