As I grow in the Gamblers Anonymous Program—sharing, caring, and becoming more and more involved—I find that it’s becoming easier to live in the NOW. Even my vocabulary is changing. No longer is every other sentence salted with such well-used phrases as could’ve, should’ve, would’ve, or might’ve.
What’s done is done and what will be will be. The only time that really matters is now. Am I gaining real pleasure and serenity and peace in the Program?
Today I Pray
That I may collect all my scattered memories from the past and high-flown schemes and overblown fears for the future and compact them into the neater confines of today. Only by living in the NOW may I keep my balance, without bending backwards to the past or tipping forward into the future. May I stop trying to get my arms around my whole unwieldy lifetime and carry it around in a gunny sack with me wherever I go.
Today I Will Remember
Make room for today.
TAGALOG VERSION
Ika-29 ng Abril
Pagninilay para sa Araw na ito
Habang umuunlad ako sa Programa ng Gamblers Anonymous—pagbabahagi, pagmamalasakit, at pagiging mas aktibo sa paglahok—nalalaman kong mas nagiging madali ang mabuhay sa NGAYON. Pati bokabularyo ko ay nagbabago. Ang mga pangungusap na aking binabanggit ay hindi na puno ng mga gamit-na-gamit na kasabihan gaya ng “pwede ko palang ginawa,” “ginawa ko dapat,” “ginawa ko sana,” o “baka ginawa ko.”
Ang nagawa na ay tapos na at kung ano ang mangyayari ay mangyayari pa lamang. Ang tanging oras na talagang mahalaga ay ngayon. Nakakatanggap ba ako ng tunay na kasiyahan at kahinahunan at kapayapaan sa Programa?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y makolekta ko ang lahat ng aking mga kalat-na-kalat na alaala mula sa nakaraan at napakataas na mga balak at labis na takot para sa hinaharap at isiksik ang mga ito sa mas maayos na paligid ng ngayon. Sa pamamagitan lamang ng pamumuhay sa NGAYON maaari kong panatilihin ang aking balanse, nang hindi binabaluktot ang sarili pabalik sa nakaraan o sumusulong sa hinaharap. Nawa’y tumigil ako sa pagsubok na hawakan ang aking buong masalimuot na habang-buhay at sa pagdala nito sa isang sako kahit saan ako magpunta.
Ngayon tatandaan ko…
Maglaan ng lugar para sa araw na ito.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.