In almost every instance, the returned slipper says, I stopped going to meetings, or I got fed up with the same old stories and the same old faces, or My outside commitments were such that I had to cut down on meetings, or I felt I’d received the optimum benefits from the meetings, so I sought further help from more meaningful activities. In short, they simply stopped going to meetings. A saying I’ve heard at Gamblers Anonymous hits the nail on the head: Them that stops going to meetings are not present at meetings to hear about what happens to them that stops going to meetings.
Am I going to enough meetings for me?
Today I Pray
God keep me on the path of the GA Program. May I never be too tired, too busy, too complacent, too bored to go to meetings. Almost always those complaints are reversed at a meeting if I will just get myself there. My weariness dissipates in serenity. My busyness is reduced to its rightful proportion. My complacency gives way to vigilance again. And how can I be bored in a place where there is so much fellowship and joy?
Today I Will Remember
Attend the meetings.
TAGALOG VERSION
Ika-3 ng Abril
Pagninilay para sa Araw na ito
Sa halos lahat ng pagkakataon, sinasabi ng bumalik na nadulas o nagkamali, huminto ako sa pagpunta sa mga meeting, o nagsawa na ako sa parehong mga lumang kuwento at sa parehong lumang mga mukha, o ang aking mga obligasyon sa labas ay napakarami na kailangan kong bawasan ang mga meeting, o pakiramdam ko natanggap ko na ang pinakamabuting benepisyo mula sa mga meeting, kaya humingi ako ng karagdagang tulong mula sa ibang mas makabuluhang mga aktibidad. Sa madaling salita, tumigil na lang sila sa pagpunta sa mga meeting. Ang isang kasabihang narinig ko sa Gamblers Anonymous ay tumpak na tumpak: Ang mga humihinto sa pagpunta sa mga meeting ay hindi naroroon sa mga meeting upang marinig ang tungkol sa kung ano ang nangyayari sa kanila na humihinto sa pagpunta sa mga meeting.
Sapat ba ang pinupuntahan kong mga meeting para sa akin?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Diyos, panatilihin mo ako sa landas ng Programa ng GA. Nawa’y hindi ako maging masyadong pagod, masyadong abala, masyadong kampante, masyadong naiinip na pumunta sa mga meeting. Halos palaging nababaligtad ang mga reklamong iyon sa isang meeting kung dadalhin ko lang ang aking sarili doon. Ang aking pagod ay napapawi sa kahinahunan. Ang aking pagiging abala ay nabawasan sa nararapat nitong sukat. Ang aking pagiging kampante ay nagbibigay daan sa pagiging mapagbantay muli. At paano ako maiinip sa isang lugar kung saan may napakaraming pagsasamahan at kasiyahan?
Ngayon tatandaan ko…
Dumalo sa mga meeting.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.