APRIL 8 Reflection for the Day

Time after time, we learn in Gamblers Anonymous, newcomers try to keep to themselves shoddy facts about their lives. Trying to avoid the humbling experience of the Fifth Step, they turn to a seemingly easier and softer way. Almost invariably, they slip. Having persevered with the rest of the Program, they then wonder why they fell. The probable reason is that they never completed their housecleaning. They took inventory all right, but hung on to some of the worst items in stock.

Have I admitted to myself and to another human being the exact nature of my wrongs?

Today I Pray

That I may include all of the sleaziness of my past, my cruelties and my dishonesties, in a complete moral and financial inventory of myself. May I hold back nothing out of shame or pride, for the exact nature of my wrongs means just that—a thorough and exact recounting of past mistakes and character flaws. We have been provided with an appropriate dumping ground. May I use it as it was intended. May all my throw-aways, the trash and outgrown costumes of the past, be foundation fill on which to build a new life.

Today I Will Remember

Trash can be a foundation for treasures.

TAGALOG VERSION

Ika-8 ng Abril

Pagninilay para sa Araw na ito

Paminsan-minsan, natututo tayo sa Gamblers Anonymous, sinusubukan ng mga bagong dating na ilihim sa kanilang sarili ang mga hindi magandang katotohanan tungkol sa kanilang buhay. Sinusubukang iwasan ang mapagpakumbabang karanasan ng Ikalimang Hakbang, bumabaling sila sa isang tila mas madali at mas mahinhing paraan. Halos walang paltos, nadudulas sila. Sa pagpupursige sa ibang bahagi ng Programa, nagtataka sila kung bakit sila nahulog. Ang malamang na dahilan ay hindi nila kumpletong natapos ang paglilinis ng kanilang bahay. Nag-imbentaryo sila nang sapat, ngunit hindi isinama ang ilan sa mga pinakamasamang nagawa nila.

Inamin ko na ba sa aking sarili at sa ibang tao ang eksaktong katangian ng aking mga pagkakamali?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y isama ko ang lahat ng kahalayan ng aking nakaraan, ang aking mga kalupitan at ang aking mga panlilinlang, sa isang kumpletong moral at pinansyal na imbentaryo ng aking sarili. Nawa’y wala akong itago dahil sa kahihiyan o pagmamataas, dahil ang eksaktong katangian ng aking mga pagkakamali ay nangangahulugan lamang na iyon—isang masinsinan at eksaktong pagsasalaysay ng mga nakaraang pagkakamali at mga depekto ng karakter. Binigyan tayo ng angkop na pinagtatapunan. Nawa’y gamitin ko ito ayon sa inilaan. Nawa’y ang lahat ng aking itinapon, ang mga basura at mga lumang kasuotan ng nakaraan, ay maging pundasyon upang makabuo ng bagong buhay.

Ngayon tatandaan ko…

Ang basura ay maaaring maging pundasyon para sa mga kayamanan.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.