AUGUST 16 Reflection for the Day

Inventory-taking isn’t always done in red ink. It’s a rare day when we haven’t done something right. As I uncover and face my shortcomings, my many good qualities will be revealed to me also, reminding me that they have the same reality as my faults. Even when we’ve tried hard and failed, for instance, we can chalk that up as one of the greatest credits of all. I’ll try to appreciate my good qualities, because they not only offset the faults, but give me a foundation on which to grow. It’s just as self-deceptive to discount what’s good in us as to justify what is not.

Can I take comfort in my positive qualities, accepting myself as a friend?

Today I Pray

If I find only defects when I look in that Fourth Step mirror, may I be sure that I am missing something—namely my good points. Although my ultra-modesty may be approved socially, may I learn that it is just as dishonest as rationalizing away my faults. Even an out-and-out failure, if examined from all sides, may turn up a plus along with the obvious minuses.

Today I Will Remember

To give myself, if not an A for effort, at least an average B minus.

TAGALOG VERSION

Ika-16 ng Agosto

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang pagkuha ng imbentaryo ay hindi laging ginagawa sa pulang tinta. Bibihira lang ang araw kung kailan hindi pa tayo nakakagawa ng tama. Sa aking pagtuklas at pagharap sa aking mga pagkukulang, ang aking maraming magagandang katangian ay isisiwalat din sa akin, na pinapaalala sa akin na mayroon silang parehong katotohanan tulad ng aking mga pagkakamali. Kahit na sinubukan natin nang mabuti at nabigo, halimbawa, maaari nating itala iyon bilang isa sa pinakadakilang kredito sa lahat. Susubukan kong pahalagahan ang aking mabubuting mga katangian, sapagkat hindi lamang nila napapalitan ang mga pagkakamali, ngunit binibigyan ako ng isang pundasyon kung saan ako lalago. Panlilinlang din sa sarili na bawasan kung ano ang mabuti sa atin katulad ng pagbibigay-katwiran sa kung ano ang hindi mabuti.

Maaari ba akong magpaginhawa sa aking mga positibong katangian, tinatanggap ang aking sarili bilang isang kaibigan?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Kung mga depekto lamang ang nakikita ko kapag tumingin ako sa salamin ng Ika-Apat na Hakbang, nawa’y makatiyak ako na may kulang akong hindi nakikita—ang aking mabubuting katangian. Bagaman ang aking sobrang pagpakumbaba ay maaaring maaprubahan sa lipunan, nawa’y malaman ko na ito ay pagiging hindi matapat tulad ng pangangatuwiran ko ng aking mga pagkakamali. Kahit na ang walang dudang pagkabigo, kung susuriin mula sa lahat ng panig, ay maaaring maging isang positibo kasama ang halatang mga negatibo.

Ngayon tatandaan ko…

Bigyan ang aking sarili, kung hindi man ng isang 1.0 (uno) para sa aking pagsisikap, kahit ng isang pasadong 3.0 (tres).


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng GA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.