All of the Twelve Steps ask us to go contrary to our natural inclinations and desires; they puncture, squeeze, and finally deflate our egos. When it comes to ego deflation, few Steps are harder to take than the Fifth, which suggests that we admit to ourselves and to another human being the exact nature of our wrongs. Few Steps are harder to take, yes, but scarcely any other Step is as necessary to long-term freedom from gambling addiction.
Have I quit living by myself with the tormenting ghosts of yesterday?
Today I Pray
May God give me strength to face that great ego-pincher—Step Five. May I not hesitate to call a trusted hearer of Fifth Steps, set up a meeting, and share this Step. By accepting responsibility for my behavior, and then sharing my account of it with one other, I am actually unburdening myself.
Today I Will Remember
My Fifth Step pain is also my liberation.
TAGALOG VERSION
Ika-20 ng Agosto
Pagninilay para sa Araw na ito
Lahat ng Labindalawang Hakbang ay humihiling sa atin na sumalungat sa ating likas na mga hilig at hangarin; tinutusok nila, pinipiga, at sa wakas ay pinapaliit ang ating mga ego o mayabang na sarili. Pagdating sa pagpapaliit ng ego o mayabang na sarili, kakaunting Hakbang ang mas mahirap gawin kaysa sa Ikalima, na nagmumungkahi na aminin natin sa ating sarili at sa ibang tao ang eksaktong kalikasan ng ating mga pagkakamali. Kakaunting Hakbang ang mas mahirap gawin, oo, ngunit halos walang Hakbang maliban sa Ikalima ang kinakailangan para sa pangmatagalang kalayaan mula sa adiksyon sa pagsusugal.
Huminto na ba ako sa pamumuhay ng mag-isa kasama ang mga nagpapahirap na multo ng kahapon?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y bigyan ako ng Diyos ng lakas upang harapin ang dakilang taga ipit ng ego o mayabang na sarili—ang Ikalimang Hakbang. Nawa’y hindi ako mag-atubiling tumawag sa isang pinagkakatiwalaang tagapakinig ng mga Ikalimang Hakbang, mag-ayos ng meeting, at ibahagi ang Hakbang na ito. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng responsibilidad para sa aking pag-uugali, at pagkatapos ay pagbabahagi ng aking salaysay tungkol dito sa isang tao, talagang inaalis ko ang pasanin sa aking sarili.
Ngayon tatandaan ko…
Ang sakit ng Ikalimang Hakbang ko ay ang pagpapalaya ko rin.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng GA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.
