Without freedom from compulsive gambling, we have nothing. Yet we can’t be free of our obsession to gamble until we become willing to deal with the character defects that brought us to our knees. If we refuse to work on our glaring defects, we’ll almost certainly return to our addiction. If we stay clean with a minimum of self-improvement, perhaps we’ll settle into a comfortable but dangerous sort of limbo for a while. Best of all, if we continuously work the Steps, we’ll assuredly find true and lasting freedom under God.
Am I walking with confidence that I’m at last on the right path ?
Today I Pray
May God show me that freedom from gambling addiction is an insecure state unless I can be freed also of my compulsions. May God keep me from a half-hearted approach to the Program, and make me know that I cannot be spiritually whole if I am still torn apart by my own dishonesty and selfishness.
Today I Will Remember
Half-hearted, I cannot be whole.
TAGALOG VERSION
Ika-25 ng Agosto
Pagninilay para sa Araw na ito
Nang walang kalayaan mula sa adiksyon sa pagsusugal, wala tayong kahit anuman. Gayunpaman hindi tayo maaaring maging malaya sa ating adiksyon sa pagsusugal hanggang sa maging handa tayong harapin ang mga depekto sa pagkatao na nagpaluhod sa atin. Kung tatanggi tayong trabauhin ang ating mga nakasisilaw na depekto, halos tiyak na babalik tayo sa ating adiksyon. Kung mananatili tayong malinis sa pagsusugal nang wala halos pagpapabuti ng sarili, marahil ay mailalagay tayo sa isang kumportable ngunit mapanganib na uri ng limbo o kulungan nang ilang sandali. Pinakamaganda sa lahat, kung patuloy tayong magsasagawa ng mga Hakbang, tiyak na makakahanap tayo ng totoo at pangmatagalang kalayaan sa ilalim ng Diyos.
Naglalakad ba ako nang may kumpiyansa na sa wakas ay nasa tamang landas ako?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y ipakita sa akin ng Diyos na ang kalayaan mula sa adiksyon sa pagsusugal ay isang walang katiyakang estado maliban kung mapapalaya din ako mula sa aking mga mapamilit na tukso na mahirap labanan. Nawa’y baguhin ako ng Diyos mula sa isang hindi buong-pusong diskarte sa Programa, at ipaalam sa akin na hindi ako maaaring maging buo sa espirituwalidad kung napupunit pa rin ako ng aking sariling panloloko at pagkamakasarili.
Ngayon tatandaan ko…
Hindi buong-puso, hindi ako maaaring maging buo.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng GA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.
