Taking a long hard look at those defects I’m unwilling or reluctant to give up, I ought to rub out the rigid lines I’ve drawn. Perhaps, in some cases, I’ll then be able to say, Well, this one I can’t give up yet…. The one thing I shouldn’t say: This one I’ll never give up. The minute we say, No, never,” our minds close against the grace of God. Such rebelliousness, as we have seen in the experiences of others, may turn out to be fatal. Instead, we should abandon limited objectives and begin to move toward God’s will for us.
Am I learning never to say never?
Today I Pray
May God remove any blocks of rebellion that make me balk at changing my undesirable qualities. Out of my delusion that I am unique and special and somehow safe from consequences, I confess to God that I have defied the natural laws of health and sanity, along with Divine laws of human kindness. May God drain away the defiance that is such a protected symptom of my addiction.
Today I Will Remember
Defiance is an offspring of delusion.
TAGALOG VERSION
Ika-27 ng Agosto
Pagninilay para sa Araw na ito
Habang pinagmamasdan ang mga depektong iyon na ayaw ko o nag-aatubili kong isuko, dapat kong burahin ang mga matigas na linyang iginuhit ko. Marahil, sa ilang pagkakataon, masasabi ko, Buweno, ang isang ito ay hindi ko pa kayang isuko…. Ang isang bagay na hindi ko dapat sabihin: Ito ay hinding-hindi ko isusuko. Sa sandaling sabihin nating, Hindi, hindi kailanman,” ang ating isipan ay nagsasara laban sa grasya ng Diyos. Ang gayong pagrerebelde, gaya ng nakita natin sa mga karanasan ng iba, ay maaaring maging nakamamatay. Sa halip, dapat nating talikuran ang mga limitadong layunin at magsimulang kumilos patungo sa kalooban ng Diyos para sa atin.
Natututo na ba akong hindi kailanmang magsasabing hindi kailanman?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y alisin ng Diyos ang anumang mga bloke ng pagrerebelde na nagpapatigil sa akin sa pagbabago ng aking mga hindi kanais-nais na katangian. Dahil sa aking delusyon o maling akala na ako ay natatangi at espesyal at kahit papaano ay ligtas sa mga kahihinatnan, ipinagtatapat ko sa Diyos na nilabag ko ang mga natural na batas ng kalusugan at katinuan, kasama ang mga Banal na batas ng kabaitan ng tao. Nawa’y alisin ng Diyos ang pagsuway na isang protektadong sintomas ng aking adiksyon.
Ngayon tatandaan ko…
Ang pagsuway ay isang anak ng delusyon.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng GA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.