I’ll begin today with prayer—prayer in my heart, prayer in my mind, and words of prayer on my lips. Through prayer, I’ll stay tuned to God today, reaching forward to become that to which I aspire. Prayer will redirect my mind, helping me rise in consciousness to the point where I realize that there’s no separation between God and me. As I let the power of God flow through me, all limitations will fall away.
Do I know that nothing can overcome the power of God in my life?
Today I Pray
Today may I offer to my Higher Power a constant prayer, not just a once-in-the-morning-does-it kind. May I think of my Higher Power at dawn, coffee breaks, lunch, at dusk, or during a quiet evening—and at all times in between. May my consciousness expand and erase the lines of separation, so that the Power is a part of me and I am a part of the Power.
Today I Will Remember
To live an all-day prayer.
TAGALOG VERSION
Ika-30 ng Agosto
Pagninilay para sa Araw na ito
Magsisimula ako ngayon sa pagdarasal—pagdarasal sa aking puso, pagdarasal sa aking isipan, at mga salita ng pagdarasal sa aking mga labi. Sa pamamagitan ng pagdarasal, mananatili akong nakatutok sa Diyos ngayon, habang inaabot na maging ako kung ano ang aking hinahangad. Binabago ng pagdarasal ang patutunguhan ng aking isipan, tinutulungan akong umangat sa kamalayan hanggang sa puntong malaman kong walang paghihiwalay sa pagitan ng Diyos at ako. Habang hinahayaan ko ang kapangyarihan ng Diyos na dumaloy sa akin, lahat ng mga limitasyon ay mawawala.
Alam ko bang walang ibang makakadaig sa kapangyarihan ng Diyos sa aking buhay?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Ngayon nawa’y mag-alok ako sa aking Higher Power ng isang patuloy na pagdarasal, hindi lamang iyong tipong isang beses lamang ginagawa sa umaga. Nawa’y isipin ko ang aking Higher Power sa madaling araw, habang nagkakape, sa tanghalian, pagsapit ng gabi, o habang isang tahimik na gabi—at sa lahat ng oras sa pagitan. Nawa ang aking kamalayan ay lumawak at burahin ang mga linya ng paghihiwalay, nang sa ganoon ang Kapangyarihan ay bahagi sa akin at ako ay bahagi ng Kapangyarihan.
Ngayon tatandaan ko…
Magsabuhay ng buong-araw na pagdarasal.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng GA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.