When people say rash or ugly things, we sometimes say they are forgetting themselves, meaning they’re forgetting their best selves in a sudden outburst of uncontrolled fury. If I remember the kind of person I want to be, hopefully I won’t forget myself and yield to a fit of temper. I’ll believe that the positive always defeats the negative: courage overcomes fear; patience overcomes anger and irritability; love overcomes hatred.
Am I always striving for improvement?
Today I Pray
Today I ask that God, to whom all things are possible, help me turn negatives into positives—anger into super-energy, fear into a chance to be courageous, hatred into love. May I take time out to remember examples of such positive-from-negative transformations from the whole of my lifetime. Uppermost is God’s miracle: my freedom from the slavery of gambling addiction.
Today I Will Remember
Turn negatives into positives.
TAGALOG VERSION
Ika-19 ng Pebrero
Pagninilay para sa Araw na ito
Kapag ang mga tao ay nagsasabi ng padalus-dalos o pangit na mga bagay, minsan ay sinasabi nating nalilimutan na nila ang kanilang mga sarili, ibig sabihin ay nakakalimutan na nila ang kanilang pinakamabuting sarili dahil sa isang biglaang pagsiklab ng hindi makontrol na galit. Kung naaalala ko ang uri ng tao na gusto kong maging, sana ay hindi ko malimutan ang aking sarili at hindi ako sumuko sa isang biglaang init ng ulo. Maniniwala ako na ang positibo ay laging tinatalo ang negatibo: ang lakas ng loob ay nagtatagumpay sa takot; ang pagtitiis ay nagtatagumpay sa galit at pagiging iritable; dinadaig ng pag-ibig ang poot.
Palagi ba akong nagsusumikap na mapabuti?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Ngayon hinihiling ko sa Diyos, kung kanino posible ang lahat, tulungan mo akong gawing positibo ang mga negatibo—ang galit ay maging masiglang lakas, ang takot ay maging pagkakataong maging matapang, ang poot ay maging pag-ibig. Nawa’y maglaan ako ng oras para alalahanin ang mga halimbawa ng mga positibo-mula-negatibong pagbabago mula sa buong buhay ko. Nangunguna ang himala ng Diyos: ang aking kalayaan mula sa pagkaalipin ng adiksyon sa pagsusugal.
Ngayon tatandaan ko…
Gawing positibo ang mga negatibo.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.