FEBRUARY 20 Reflection for the Day

As we are restored to health and become increasingly able to live comfortably in the real world without gambling, we begin to see many things in a new light. Many of us have come to realize, for example, that anger, comes disguised in many shapes and colors: intolerance, sarcasm, distrust, anxiety, envy, cynicism, discontent, self-pity, malice, suspicion, jealousy. As more insights are granted to us, we begin to see how often anger is at the root of many of our restless, uncomfortable feelings. Such insights help us understand our anger and seek new ways to deal with it.

Do I let my feelings get the best of me?

Today I Pray

May I recognize that my anger, like a dancer at a masquerade, displays many forms and many faces. May I strip off its several masks and know it for what it is.

Today I Will Remember

Anger wears a thousand masks.

TAGALOG VERSION

Ika-20 ng Pebrero

Pagninilay para sa Araw na ito

Habang tayo ay naibalik sa kalusugan at nagiging mas kayang mamuhay nang maginhawa sa totoong mundo nang walang pagsusugal, nagsisimula tayong makakita ng maraming bagay sa isang bagong liwanag. Marami sa atin ang napagtanto, halimbawa, na ang galit, ay nagbabalatkayo sa maraming hugis at kulay: hindi pagpayag na tanggapin ang paniniwala ng iba, pinagtatawanan ang iba, panunuya, kawalan ng tiwala, pagkabalisa, inggit, pangungutya, sama ng loob, awa sa sarili, malisya, hinala, pagseselos. Habang mas maraming kaalaman ang ibinibigay sa atin, nasisimulan nating makita kung gaano kadalas ang galit ay ugat ng marami sa ating hindi mapakali at hindi komportableng mga damdamin. Ang ganitong mga kaalaman ay nakakatulong sa atin na maunawaan ang ating galit at humanap ng mga bagong paraan upang harapin ito.

Hinahayaan ko ba ang aking mga damdamin na maisahan ako?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y makilala ko na ang aking galit, tulad ng isang mananayaw sa isang sayawan na may iba’t ibang kasuotan at maskara, ay nagpapakita ng maraming anyo at maraming mukha. Nawa’y hubarin ko ang ilang mga maskara nito at malaman kung ano ito.

Ngayon tatandaan ko…

Ang galit ay nagsusuot ng isang libong maskara.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.