Honesty is a word I had to be reacquainted with. Before coming to Gamblers Anonymous, I bounced lies and half-truths around so often in my head that I believed they were all true. Today I strive for rigorous honesty—with myself and with others. Above all, I must always remain honest with myself about where the credit for my recovery belongs—with my Higher Power and the Fellowship of GA.
Have I accepted the fact that self-deception can only damage me, providing a clouded and unrealistic picture of the person I really am?
Today I Pray
May God allow me to push aside my curtain of fibs, alibis, rationalizations, justifications, distortions, and downright lies and let in the light on the real truths about myself. May I meet the person I really am and take comfort in the person I can become.
Today I Will Remember
Hello, Me. Meet the real Me.
TAGALOG VERSION
Ika-7 ng Pebrero
Pagninilay para sa Araw na ito
Ang katapatan ay isang salitang kailangan kong kilalanin muli. Bago ako pumunta sa Gamblers Anonymous, madalas akong nag-isip sa utak ko ng mga kasinungalingan na naniwala akong totoo ang lahat. Ngayon, sinisikap kong magkaroon ng mahigpit na katapatan—sa aking sarili at sa iba. Higit sa lahat, dapat akong palaging manatiling tapat sa aking sarili tungkol sa kung saan nauukol ang papuri para sa aking paggaling—sa aking Higher Power at sa Fellowship ng GA.
Tinanggap ko na ba ang katotohanan na ang panlilinlang sa sarili ay maaari lamang makapinsala sa akin, na nagbibigay ng isang malabo at hindi makatotohanang larawan ng totoong pagkatao ko?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y pahintulutan ako ng Diyos na isantabi ang aking kurtina ng mga maliliit na kabulaanan, mga palusot, mga rasyonalisasyon, mga katwiran, mga pagbaluktot, at mga lubos na kasinungalingan at hayaang pumasok ang liwanag sa mga tunay na katotohanan tungkol sa aking sarili. Nawa’y makilala ko ang totoong pagkatao ko at mabigyan ng ginhawa sa taong maaari kong maging.
Ngayon tatandaan ko…
Hello, Ako. Kilalanin ang totoong Ako.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.