If we are determined to stop gambling, there must be no reservations whatsoever, nor any lurking notion that our obsession will someday reverse itself. Our regeneration comes through the splendid paradox of the Twelve Steps: strength arises from complete defeat, and the loss of one’s old life is a condition for finding a new one.
Am I convinced that in powerlessness, power comes? Am I certain that, by releasing my life and will, I am released?
Today I Pray
May I know power through powerlessness, victory through surrender, triumph through defeat. May I learn to relinquish any trace of secret pride that I can do it by myself. Let my will be absorbed and steered by the omnipotent will of God.
Today I Will Remember
Let go and let God.
TAGALOG VERSION
Ika-18 ng Enero
Pagninilay para sa Araw na ito
Kung determinado tayong huminto sa pagsusugal, dapat na walang anumang pasubali, o anumang nakakubling paniwala na balang-araw ay mababawi din ang ating kinahuhumalingan. Ang ating pagbabagong-buhay ay dumarating sa napakagandang kabalintunaan ng Twelve Steps: ang lakas ay nagmumula sa ganap na pagkatalo, at ang pagkawala ng lumang buhay ng isang tao ay isang kondisyon para sa paghahanap ng bago.
Kumbinsido ba ako na sa kawalan ng kapangyarihan, dumarating ang kapangyarihan? Sigurado ba ako na, sa pamamagitan ng pagpapalaya sa aking buhay at kalooban, ako ay pinalaya?
Ngayon Ipinagdarasal Ko…
Nawa’y malaman ko ang kapangyarihan sa pamamagitan ng kawalan ng kapangyarihan, tagumpay sa pamamagitan ng pagsuko, pagwawagi sa pamamagitan ng pagkatalo. Nawa’y matutunan kong talikuran ang anumang bakas ng lihim na pagmamataas na kaya kong gawin nang mag-isa. Hayaang ang aking kalooban ay mahigop at pangunahan ng makapangyarihang kalooban ng Diyos.
Ngayon tatandaan ko…
Bumitaw at hayaan ang Diyos.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.