The Gamblers Anonymous Program is a road, not a resting place. Before we came to this Program—and, for some of us, many times afterward—most of us looked for answers to our living problems in religion, philosophy, psychology, in theories of self-control and personal growth. Often these explorations of ours aimed at goals that were precisely what we wanted: freedom, calm, confidence, and joy. But they seldom provided any workable methods for getting there—for how to get from the doldrums of despair we found ourselves in to where we wanted to be.
Do I truly believe that I can find everything that I need and really want through the Twelve Steps?
Today I Pray
May I know that, once through the Twelve Steps, I am not on a plane surface. For life is not a flat field, but a slope upward. And those flights of Steps must be taken over and over and remembered. May I be sure that, once I have made them totally familiar to me, they will take me anywhere I want to go.
Today I Will Remember
The Steps are a road, not a resting place.
TAGALOG VERSION
Ika-10 ng Hulyo
Pagninilay para sa Araw na ito
Ang Programa ng Gamblers Anonymous ay isang daan, hindi isang lugar ng pamamahinga. Bago tayo dumating sa Programa na ito—at, para sa ilan sa atin, maraming beses pagkatapos—karamihan sa atin ay naghanap ng mga sagot sa ating mga problema sa pamumuhay sa relihiyon, pilosopiya, sikolohiya, sa mga teorya ng pagpipigil sa sarili at personal na paglago. Kadalasan ang ating mga pagsisiyasat na ito ay nakapuntirya sa mga layunin na tiyak na ninais natin: kalayaan, pagkakalmado, kumpiyansa, at kagalakan. Ngunit bihira silang nagbigay ng anumang mga pamamaraang maisasagawa para makarating doon—para sa kung paano makarating mula sa mga lumbay ng kawalan ng pag-asa na nadatnan natin patungo kung saan natin nais makarating.
Totoong naniniwala ba ako na mahahanap ko ang lahat ng kailangan ko at talagang gusto ko sa pamamagitan ng Labindalawang Hakbang?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y malaman ko na, sa sandaling mapagdaanan ko ang Labindalawang Hakbang, wala ako sa patag na ibabaw. Dahil ang buhay ay hindi isang pantay na bukid, ngunit isang pataas na rampang tagilid. At ang mga tinatapakang Hakbang ay dapat na paulit-ulit daanan at maalala. Nawa’y makatiyak ako na, sa sandaling nakilala ko ng lubos ang mga Hakbang, dadalhin nila ako kahit saan ko nais pumunta.
Ngayon tatandaan ko…
Ang mga Hakbang ay isang daan, hindi isang lugar ng pamamahinga.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.