Someone once defined the ego as the sum total of false ideas about myself. Persistent reworking of the Twelve Steps enables me gradually to strip away my false ideas about myself. This permits nearly imperceptible but steady growth in my understanding of the truth about myself. And this, in turn, leads to a growing understanding of God and other human beings.
Do I strive for self-honesty, promptly admitting when I’m wrong?
Today I Pray
God, teach me understanding; teach me to know truth when I meet it; teach me the importance of self-honesty, so that I may be able to say, sincerely, I was wrong, along with I am sorry. Teach me that there is such a thing as a healthy ego which does not require that feelings be medicated by action highs. May I—slowly, on my tightrope—move toward the ideal of balance, so I can do away with the nets of falsehood and compulsion.
Today I Will Remember
To keep my balance.
TAGALOG VERSION
Ika-11 ng Hulyo
Pagninilay para sa Araw na ito
Ngayon ipinagdarasal ko…
Minsan ay tinukoy ng isang tao ang ego o kaakuhan bilang kabuuan ng mga maling ideya tungkol sa aking sarili. Ang patuloy na paulit-ulit na pagtatrabaho ng Labindalawang Hakbang ay nagbibigay-daan sa akin upang unti-unting alisin ang aking mga maling ideya tungkol sa aking sarili. Pinapayagan nito ang halos hindi mahahalata ngunit matatag na paglaki ng aking pag-unawa sa katotohanan tungkol sa aking sarili. At ito naman ay humahantong sa lumalaking pag-unawa sa Diyos at iba pang mga tao.
Nagsusumikap ba akong maging matapat sa sarili, agad na tinatanggap kapag nagkamali ako?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Diyos, turuan mo akong umunawa; turuan mo akong malaman ang katotohanan kapag nakilala ko ito; turuan mo ako ng kahalagahan ng pagiging matapat sa sarili, upang masabi ko, nang taos-puso, na nagkamali ako, kasama ang paghingi ng paumanhin. Turuan mo ako na maaaring magkaroon ng isang malusog na ego o kaakuhan na hindi hinihiling na ang mga damdamin ko ay gamutin ng mga gawaing nagpapa-high o nagbibigay ng tama. Nawa’y—dahan-dahan, habang nakatayo sa aking mahigpit na lubid—gumalaw ako patungo sa perpektong balanse, upang hindi na ako nakadepende sa mga lambat ng kasinungalingan at adiksyon.
Ngayon tatandaan ko…
Panatilihin ang aking balanse.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.