JULY 15 Reflection for the Day

Faced with almost certain destruction by our addiction to gambling, we eventually had no choice but to become open-minded on spiritual matters. In that sense, the multitude of ways we used to bet and wager were potent persuaders; they finally whipped us into a state of reasonableness. We came to learn that when we stubbornly close the doors on our minds, we’re locking out far more than we’re locking in.

Do I immediately reject new ideas? Or do I patiently strive to change my old way of living?

Today I Pray

May I keep an open mind, especially on spiritual matters, remembering that spiritual is a bigger word than religious. (I was born of the Spirit, but I was taught religion.) May I remember that a locked mind is a symptom of my addiction and an open mind is essential to my recovery.

Today I Will Remember

If I lock more out than I lock in, what am I protecting?

TAGALOG VERSION

Ika-15 ng Hulyo

Pagninilay para sa Araw na ito

Nahaharap sa halos tiyak na pagkasira dulot ng ating adiksyon sa pagsusugal, sa huli ay napilitan na tayong magkaroon ng bukas na pag-iisip sa mga bagay na espiritwal. Sa puntong iyon, ang napakaraming mga paraang ginamit natin upang tumaya at pumusta ay mga mabisang nanghikayat sa atin; sa wakas ay pinalo nila tayo papasok sa isang estado ng pagkamakatuwiran. Napag-alaman natin na kapag matigas ang ulo nating isara ang mga pintuan sa ating isipan, mas marami tayong napipigilang makapasok mula sa labas kaysa sa napipigilang makalabas mula sa loob.

Tinatanggihan ko ba kaagad ang mga bagong ideya? O matiyaga akong nagsisikap na baguhin ang aking dating pamumuhay?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y mapanatili ko ang isang bukas na isip, lalo na sa mga bagay na espiritwal, na maalala ko na ang espirituwal ay isang mas malaking salita kaysa sa relihiyoso. (Ipinanganak ako sa Espiritu, ngunit tinuruan ako ng relihiyon.) Nawa’y tandaan ko na ang isang nakakandadong isip ay isang sintomas ng aking adiskyon at ang isang bukas na isip naman ay mahalaga sa aking paggaling.

Ngayon tatandaan ko…

Kung higit ang pinipigilan kong makapasok mula sa labas kaysa sa makalabas mula sa loob ko, ano ang pinoprotektahan ko?


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.