Long experience has proved that the Gamblers Anonymous Program and Twelve Steps will work for any person who approaches them with an open mind. We have to remember that we can’t expect miracles overnight; after all, it took years to create the situation in which we find ourselves today. I’ll try to be less hasty in drawing judgmental conclusions. I’ll hang on to the expectation that the GA Program can change my entire life as long as I give it a chance.
Have I begun to realize that my ultimate contentment doesn’t depend on having things work out my way?
Today I Pray
I pray for a more receptive attitude; for a little more patience, a little less haste, and more humility in my judgments. May I always understand that change will come—it will all happen—if I will listen for God’s will. God grant me perseverance, for sometimes I must wait awhile for the Steps to take effect.
Today I Will Remember
Patience.
–
TAGALOG VERSION
Ika-16 ng Hulyo
Pagninilay para sa Araw na ito
Ang mahabang karanasan ay nagpatunay na ang Programa ng Gamblers Anonymous at Labindalawang Hakbang ay gagana para sa sinumang tao na lumapit sa kanila nang may bukas na isip. Dapat nating tandaan na hindi natin maaasahang mangyari ang mga himala agad-agad; kung sabagay, tumagal ng napakaraming taon upang malikha ang sitwasyon kung saan matatagpuan natin ang ating sarili ngayon. Susubukan kong hindi masyadong nagmamadali sa paggawa ng mga mapanghusgang konklusyon. Kakapit ako sa pag-asa na ang Programa ng GA ay maaaring baguhin ang aking buong buhay hangga’t bibigyan ko ito ng pagkakataon.
Sinimulan ko na bang maintindihan na ang aking tunay na kasiyahan ay hindi nakasalalay sa pagkakaroon ng mga bagay na nangyayari ayon sa gusto ko?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nagdarasal ako para sa isang ugaling mas madaling tumanggap; para sa dagdag na pagtitiyaga pa, mas kaunting pagmamadali, at higit na pagpapakumbaba sa aking mga paghuhusga. Nawa’y lagi kong maunawaan na ang pagbabago ay darating—lahat ito ay mangyayari—kung pakikinggan ko ang kalooban ng Diyos. Diyos ipagkaloob mo sa akin ang pagtitiyaga, dahil minsan kailangan kong maghintay sandali upang magkabisa ang mga Hakbang.
Ngayon tatandaan ko…
Magtiyaga.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng GA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.